Add parallel Print Page Options

32 The following message came to Jeremiah from the Lord in the tenth year of the reign of Zedekiah, king of Judah (which was the eighteenth year of Nebuchadnezzar’s reign). At this time Jeremiah was imprisoned in the dungeon beneath the palace,[a] while the Babylonian army was besieging Jerusalem. King Zedekiah had put him there for continuing to prophesy that the city would be conquered by the king of Babylon, and that King Zedekiah would be caught and taken as a prisoner before the king of Babylon for trial and sentencing.

“He shall take you to Babylon and imprison you there for many years until you die. Why fight the facts? You can’t win! Surrender now!” Jeremiah had told him again and again.

6-7 Then this message from the Lord came to Jeremiah: Your cousin Hanamel (son of Shallum) will soon arrive to ask you to buy the farm he owns in Anathoth, for by law you have a chance to buy before it is offered to anyone else.

So Hanamel came, as the Lord had said he would, and visited me in the prison. “Buy my field in Anathoth, in the land of Benjamin,” he said, “for the law gives you the first right to purchase it.” Then I knew for sure that the message I had heard was really from the Lord.

So I bought the field, paying Hanamel seventeen pieces of silver. 10 I signed and sealed the deed of purchase before witnesses, weighed out the silver, and paid him. 11 Then I took the sealed deed containing the terms and conditions and also the unsealed copy, 12 and publicly, in the presence of my cousin Hanamel and the witnesses who had signed the deed, and as the prison guards watched, I handed the papers to Baruch (son of Neriah, who was the son of Mahseiah). 13 And I said to him as they all listened:

14 “The Lord, God of Israel, says: Take both this sealed deed and the copy and put them into a pottery jar to preserve them for a long time. 15 For the Lord, God of Israel, says: In the future these papers will be valuable.[b] Someday people will again own property here in this country and will be buying and selling houses and vineyards and fields.”

16 Then after I had given the papers to Baruch I prayed: 17 “O Lord God! You have made the heavens and earth by your great power; nothing is too hard for you! 18 You are loving and kind to thousands, yet children suffer for their fathers’ sins; you are the great and mighty God, the Lord Almighty. 19 You have all wisdom and do great and mighty miracles; for your eyes are open to all the ways of men, and you reward everyone according to his life and deeds. 20 You have done incredible things in the land of Egypt—things still remembered to this day. And you have continued to do great miracles in Israel and all around the world. You have made your name very great, as it is today.

21 “You brought Israel out of Egypt with mighty miracles and great power and terror. 22 You gave Israel this land that you promised their fathers long ago—a wonderful land that ‘flows with milk and honey.’ 23 Our fathers came and conquered it and lived in it, but they refused to obey you or to follow your laws; they have hardly done one thing you told them to. That is why you have sent all this terrible evil upon them. 24 See how the siege mounds have been built against the city walls, and the Babylonians shall conquer the city by sword, famine, and disease. Everything has happened just as you said—as you determined it should! 25 And yet you say to buy the field—paying good money for it before these witnesses—even though the city will belong to our enemies.”

26 Then this message came to Jeremiah: 27 I am the Lord, the God of all mankind; is there anything too hard for me? 28 Yes, I will give this city to the Babylonians and to Nebuchadnezzar, king of Babylon; he shall conquer it. 29 And the Babylonians outside the walls shall come in and set fire to the city and burn down all these houses, where the roofs have been used to offer incense to Baal and to pour out libations to other gods, causing my fury to rise! 30 For Israel and Judah have done nothing but wrong since their earliest days; they have infuriated me with all their evil deeds. 31 From the time this city was built until now, it has done nothing but anger me; so I am determined to be rid of it.

32 The sins of Israel and Judah—the sins of the people, of their kings, officers, priests, and prophets—stir me up. 33 They have turned their backs upon me and refused to return; day after day, year after year, I taught them right from wrong, but they would not listen or obey. 34 They have even defiled my own Temple by worshiping their abominable idols there. 35 And they have built high altars to Baal in the valley of Hinnom. There they have burnt their children as sacrifices to Molech—something I never commanded and cannot imagine suggesting. What an incredible evil, causing Judah to sin so greatly!

36 Now therefore the Lord God of Israel says concerning this city that it will fall to the king of Babylon through warfare, famine, and disease, 37 but I will bring my people back again from all the countries where in my fury I will scatter them. I will bring them back to this very city and make them live in peace and safety. 38 And they shall be my people, and I will be their God. 39 And I will give them one heart and mind to worship me forever, for their own good and for the good of all their descendants.

40 And I will make an everlasting covenant with them, promising never again to desert them but only to do them good. I will put a desire into their hearts to worship me, and they shall never leave me. 41 I will rejoice to do them good and will replant them in this land with great joy. 42 Just as I have sent all these terrors and evils upon them, so will I do all the good I have promised them.

43 Fields will again be bought and sold in this land now ravaged by the Babylonians, where men and animals alike have disappeared. 44 Yes, fields shall once again be bought and sold—deeds signed and sealed and witnessed—in the country of Benjamin and here in Jerusalem, in the cities of Judah and in the hill country, in the Philistine Plain and in the Negeb too, for some day I will restore prosperity to them.

Footnotes

  1. Jeremiah 32:2 in the dungeon beneath the palace, literally, “in the court of the prison in the palace.”
  2. Jeremiah 32:15 In the future these papers will be valuable, implied.

Bumili ng Bukid si Jeremias

32 Ang Panginoon ay nagsalita kay Jeremias noong ikasampung taon ng paghahari ni Zedekia sa Juda, nang ika-18 taon ng paghahari ni Nebucadnezar sa Babilonia. Nang panahong iyon, kinukubkob ang Jerusalem ng mga sundalo ng Babilonia, at si Propeta Jeremias ay nakakulong sa bilangguan sa himpilan ng mga guwardya sa palasyo ng hari ng Juda. Ikinulong siya roon ni Haring Zedekia dahil sa kanyang ipinahayag. Sapagkat sinasabi ni Jeremias, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Ibibigay ko ang lungsod na ito sa hari ng Babilonia at sasakupin niya ito. Si Haring Zedekia ay hindi makakaligtas sa mga taga-Babilonia,[a] kundi talagang ihaharap siya sa hari ng Babilonia para hatulan. Dadalhin ko si Zedekia sa Babilonia at mananatili siya roon hanggang sa matapos ang pagpaparusa sa kanya. Lumaban man kayo sa mga taga-Babilonia, hindi rin kayo magtatagumpay. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Sinabi pa ni Jeremias, “Sinabi sa akin ng Panginoon na si Hanamel na anak ng tiyo kong si Shalum ay lalapit sa akin at magsasabi, ‘Bilhin mo ang bukid ko sa Anatot. Dahil ikaw ang pinakamalapit kong kamag-anak, may karapatan at tungkulin kang bilhin ito.’

“Gaya nga ng sinabi sa akin ng Panginoon, pumunta sa akin si Hanamel na pinsan ko roon sa himpilan ng mga guwardya. Sinabi niya sa akin, ‘Bilhin mo ang bukid ko roon sa Anatot sa lupain ng lahi ni Benjamin. May karapatan at tungkulin ka para mapasaiyo iyon, kaya bilhin mo na iyon.’ ”

Alam kong kalooban ito ng Panginoon, kaya binili ko ang bukid na iyon kay Hanamel sa halagang 17 pirasong pilak. 10 Nilagdaan at tinatakan niya ang mga kasulatan ng bilihan sa harap ng mga saksi at tinimbang ang pilak bilang kabayaran. 11 Pagkatapos, kinuha ko ang mga kasulatang may tatak at ang kopyang walang tatak kung saan nakasulat ang mga kasunduan ng bilihan. 12 At ibinigay ko ito kay Baruc na anak ni Neria na apo ni Maseya, sa harap ni Hanamel at ng mga saksi na pumirma sa mga kasulatang ito, at sa harap ng lahat ng Judio na nakaupo sa himpilan ng mga guwardya.

13 At sa harap nilaʼy sinabi ko kay Baruc 14 na ito ang sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng Israel, “Kunin mo ang mga kasulatang natatakan at hindi natatakan, at ilagay mo sa palayok para hindi ito masira at para tumagal ito ng mahabang panahon. 15 Sapagkat darating ang araw na muling magbibilihan ng mga ari-arian ang mga tao sa lugar na ito. Magbibilihan sila ng mga bahay, mga bukid, at mga ubasan. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng Israel, ang nagsasabi nito.”

16 Pagkatapos kong maibigay ang kasulatan kay Baruc na anak ni Neria, nanalangin ako. 17 “O Panginoong Dios, nilikha nʼyo ang langit at lupa sa pamamagitan ng kapangyarihan ninyo. Walang anumang bagay na hindi nʼyo po magagawa. 18 Ipinapakita nʼyo ang pag-ibig nʼyo sa libu-libo, pero pinarurusahan nʼyo ang mga anak dahil sa kasalanan ng mga magulang nila. O kay dakila po ninyo O Dios, ang pangalan ninyo ay Panginoong Makapangyarihan. 19 Napakaganda po ng mga plano nʼyo at kahanga-hanga ang mga gawa ninyo. Nakikita nʼyo ang lahat ng ginagawa ng mga tao at ginagantihan nʼyo po sila ayon sa mga pag-uugali at gawa nila. 20 Gumawa kayo ng mga himala at mga kahanga-hangang bagay doon sa Egipto, at patuloy nʼyo po itong ginagawa hanggang dito sa Israel at sa ibang mga bansa. At sa pamamagitan nito, naging tanyag po kayo sa lahat ng dako. 21 Sa pamamagitan ng mga himala at mga kahanga-hangang bagay, at sa kapangyarihan nʼyo, natakot po ang mga taga-Egipto at pinalaya nʼyo ang mamamayan nʼyong mga Israelita sa Egipto. 22 Ibinigay po ninyo sa kanila ang maganda at masaganang lupain[b] na siyang ipinangako nʼyong ibibigay sa kanilang mga ninuno. 23 Naging kanila po ito pero hindi sila sumunod sa inyo o sa mga kautusan nʼyo, at hindi nila ginawa ang ipinapagawa nʼyo sa kanila. Kaya pinadalhan nʼyo sila ng kapahamakan. 24 At ngayon, tinatambakan ng lupa ng mga taga-Babilonia ang gilid ng pader ng Jerusalem para mapasok at maagaw nila ang lungsod At dahil sa digmaan, gutom, at sakit, marami pong namatay at naagaw ng mga taga-Babilonia ang lungsod ayon din po sa sinabi ninyo. 25 Ngunit sa kabila po ng lahat ng ito, O Panginoong Dios, sinugo nʼyo ako para bilhin ang bukid sa harap ng mga saksi kahit malapit nang maagaw ng mga taga-Babilonia ang lungsod na ito.”

26 Kaya sinabi ng Panginoon kay Jeremias, 27 “Ako ang Panginoon, ang Dios ng lahat ng tao. Mayroon bang bagay na hindi ko magagawa? 28 Kaya tandaan mo, ibibigay ko ang lungsod na ito sa mga taga-Babilonia at sa hari nilang si Nebucadnezar, at mapapasakanila ito. 29 Susunugin nila ito, lalo na ang mga bahay na ang mga bubungan ay sinusunugan ng mga insenso para kay Baal at hinahandugan ng mga handog na inumin para sa mga dios-diosan na labis kong ikinagalit.

30 “Mula pa noong una, wala nang ginawa ang mga taga-Israel at taga-Juda kundi puro kasamaan. Ginalit nila ako sa pamamagitan ng mga ginagawa nila. 31 Mula nang itayo ang lungsod na ito hanggang ngayon, ginagalit ako ng mga mamamayan nito. Kaya wawasakin ko na ito. 32 Ginagalit ako ng mga taga-Israel at taga-Juda dahil sa masasama nilang ginagawa. Lahat sila; ang kanilang mga hari at pinuno, mga pari at propeta, at ang mga taga-Jerusalem. 33 Lumayo sila sa akin kahit palagi ko silang tinuturuan. Ayaw nilang makinig at ayaw nilang magpaturo. 34 Dinungisan nila ang templo ko kung saan dinadakila ang pangalan ko. Inilagay nila roon ang mga dios-diosan nilang kasuklam-suklam. 35 Nagtayo sila ng mga sambahan para kay Baal sa Lambak ng Ben Hinom at doon din nila inihahandog ang kanilang mga anak kay Molec. Hindi ko sila inutusan ng ganoon. Ni hindi sumagi sa isipan ko na gagawin nila itong kasuklam-suklam na bagay na siyang naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Juda.

36 “Jeremias, totoo ang sinabi mong ibibigay sa hari ng Babilonia ang lungsod na ito sa pamamagitan ng digmaan, taggutom at sakit. Pero ngayon ako, ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagsasabi: 37 Titipunin ko ang mga mamamayan ko mula sa lahat ng bansa na pinangalatan ko sa kanila dahil sa matinding galit ko sa kanila. Muli ko silang dadalhin sa lugar na ito at mamumuhay sila nang payapa. 38 Magiging mamamayan ko sila at akoʼy magiging Dios nila. 39 Bibigyan ko sila ng pagkakaisa sa puso at hangarin sa buhay upang sambahin nila ako magpakailanman, para sa sarili nilang kabutihan at sa kabutihan ng mga angkan nila. 40 Gagawa ako ng walang hanggang kasunduan sa kanila na patuloy akong gagawa ng mabuti sa kanila. Bibigyan ko sila ng hangaring gumalang sa akin para hindi na sila lumayo sa akin. 41 Kagalakan ko ang gawan sila ng mabuti at buong puso ko silang patitirahin sa lupaing ito.”

42 Sinabi pa ng Panginoon, “Kung paano ko pinadalhan ng kapahamakan ang mga taong ito, darating ang araw na padadalhan ko rin sila ng kabutihang ipinangako ko sa kanila. 43 At muling magbibilihan ng mga bukid sa lupaing ito na ngayon ay malungkot at walang naninirahang tao o hayop man dahil ibinigay ito sa mga taga-Babilonia.

44 “Muling magbibilihan ng mga bukid, na lalagdaan, tatatakan at sasaksihan ang mga kasulatan ng bilihan. Gagawin ito sa lupain ni Benjamin, sa mga lugar sa palibot ng Jerusalem, sa mga bayan ng Juda, sa mga bayan sa kabundukan at kaburulan sa kanluran, at sa Negev. Mangyayari ito dahil pababalikin ko ang mga mamamayan ko sa lupain nila mula sa pagkakabihag.[c] Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Footnotes

  1. 32:4 taga-Babilonia: sa literal, Caldeo. Ganito rin sa talatang 5, 24, 25, 28 at 43.
  2. 32:22 maganda at masaganang lupain: sa literal, lupain na dumadaloy ang gatas at pulot.
  3. 32:44 Tingnan ang “footnote” sa 29:14.