Add parallel Print Page Options

Huwag Ibigin ang Mundo

Ano ba ang pinagmumulan ng mga pag-aaway at alitan ninyo? Hindi baʼt ang masasamang kagustuhan na naglalaban-laban sa puso nʼyo? May mga ninanais kayo pero hindi nʼyo makamtan, kaya handa kayong pumatay dahil dito. May mga gusto kayong makuha at kapag hindi ito nangyari, nag-aaway-away kayo. Hindi nʼyo nakakamtan ang mga ninanais nʼyo dahil hindi kayo humihingi sa Dios. At kung humihingi naman kayo, wala kayong natatanggap dahil humihingi kayo nang may masamang motibo para mapagbigyan ang sarili nʼyong kasiyahan. Kayong mga hindi tapat sa Dios, hindi nʼyo ba alam na kaaway ng Dios ang umiibig sa mundo? Kaya ang sinumang nagnanais makipagkaibigan sa mundo ay ginagawa niyang kaaway ng Dios ang sarili niya. Huwag ninyong isipin na walang kabuluhan ang sinasabi ng Kasulatan, “Ayaw ng Espiritung pinatira sa atin na may kaagaw sa pag-ibig niya.”[a] Ngunit sapat ang biyayang ibinigay ng Dios. Kaya nga sinasabi sa Kasulatan, “Kinakalaban ng Dios ang mga mapagmataas, pero kinakaawaan niya ang mapagpakumbaba.”[b]

Kaya magpasakop kayo sa Dios. Labanan nʼyo ang diyablo at lalayo ito sa inyo. Lumapit kayo sa Dios at lalapit din siya sa inyo. Kayong mga makasalanan, mamuhay kayo nang malinis. At kayong mga nagdadalawang-isip, linisin nʼyo ang inyong puso. Maging malungkot kayo at maghinagpis dahil sa mga kasalanan nʼyo. Palitan nʼyo ng pagdadalamhati ang pagsasaya ninyo. 10 Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon, at itataas niya kayo.

Paalala sa Paghuhusga sa Kapwa

11 Mga kapatid, huwag ninyong siraan ang isaʼt isa. Ang naninira o humahatol sa kapatid niya ay nagsasalita laban sa Kautusan at humahatol sa Kautusan. At kung ikaw ang humahatol sa Kautusan, hindi ka na tagatupad nito kundi isa nang hukom. 12 Ngunit ang Dios lang ang nagbigay ng Kautusan at siya lamang ang hukom. Tanging siya ang may kakayahang magligtas at magparusa.[c] Kaya sino ka para husgahan ang kapwa mo?

Paalala sa Pagmamalaki

13 Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas, pupunta kami sa isang bayan. Mamamalagi kami roon ng isang taon, magnenegosyo, at kikita ng malaki.” 14 Sa katunayan, hindi nʼyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo bukas. Sapagkat ang buhay ay parang hamog na lilitaw nang sandali at mawawala pagkatapos. 15 Kaya nga, ito ang dapat ninyong sabihin: “Kung loloobin ng Panginoon at mabubuhay pa tayo, ganito o kaya ganoon ang gagawin natin.” 16 Ngunit sa ngayon, nagmamalaki at nagmamayabang kayo. Ang ganyang pagyayabang ay masama.

17 Kung alam ng isang tao ang mabuti na dapat niyang gawin, pero hindi naman ginagawa, nagkakasala siya.

Footnotes

  1. 4:5 Ayaw ng … pag-ibig niya: o, Nais ng Dios na siya lang ang mamahalin ng espiritung ibinigay niya sa atin.
  2. 4:6 Kaw. 3:34.
  3. 4:12 magparusa: sa literal, mamuksa.

Pride Promotes Strife

Where do [a]wars and fights come from among you? Do they not come from your desires for pleasure (A)that war in your members? You lust and do not have. You murder and covet and cannot obtain. You fight and [b]war. [c]Yet you do not have because you do not ask. (B)You ask and do not receive, (C)because you ask amiss, that you may spend it on your pleasures. [d]Adulterers and adulteresses! Do you not know that (D)friendship with the world is enmity with God? (E)Whoever therefore wants to be a friend of the world makes himself an enemy of God. Or do you think that the Scripture says in vain, (F)“The Spirit who dwells in us yearns jealously”?

But He gives more grace. Therefore He says:

(G)“God resists the proud,
But gives grace to the humble.”

Humility Cures Worldliness

Therefore submit to God. (H)Resist the devil and he will flee from you. (I)Draw near to God and He will draw near to you. (J)Cleanse your hands, you sinners; and (K)purify your hearts, you double-minded. (L)Lament and mourn and weep! Let your laughter be turned to mourning and your joy to gloom. 10 (M)Humble yourselves in the sight of the Lord, and He will lift you up.

Do Not Judge a Brother

11 (N)Do not speak evil of one another, brethren. He who speaks evil of a brother (O)and judges his brother, speaks evil of the law and judges the law. But if you judge the law, you are not a doer of the law but a judge. 12 There is one [e]Lawgiver, (P)who is able to save and to destroy. (Q)Who[f] are you to judge [g]another?

Do Not Boast About Tomorrow

13 Come now, you who say, “Today or tomorrow [h]we will go to such and such a city, spend a year there, buy and sell, and make a profit”; 14 whereas you do not know what will happen tomorrow. For what is your life? (R)It is even a vapor that appears for a little time and then vanishes away. 15 Instead you ought to say, (S)“If the Lord wills, we shall live and do this or that.” 16 But now you boast in your arrogance. (T)All such boasting is evil.

17 Therefore, (U)to him who knows to do good and does not do it, to him it is sin.

Footnotes

  1. James 4:1 battles
  2. James 4:2 battle
  3. James 4:2 NU, M omit Yet
  4. James 4:4 NU omits Adulterers and
  5. James 4:12 NU adds and Judge
  6. James 4:12 NU, M But who
  7. James 4:12 NU a neighbor
  8. James 4:13 M let us