The Sin of Favoritism

My brothers, do not show favoritism as you hold on to the faith in our glorious Lord Jesus Christ.(A) For example, a man comes into your meeting wearing a gold ring and dressed in fine clothes, and a poor man dressed in dirty clothes also comes in. If you look with favor on the man wearing the fine clothes and say, “Sit here in a good place,” and yet you say to the poor man, “Stand over there,” or, “Sit here on the floor by my footstool,” haven’t you discriminated among yourselves and become judges with evil thoughts?

Listen, my dear brothers: Didn’t God choose the poor in this world(B) to be rich in faith(C) and heirs(D) of the kingdom that He has promised to those who love Him? Yet you dishonored that poor man.(E) Don’t the rich oppress you and drag(F) you into the courts? Don’t they blaspheme the noble name that was pronounced over you at your baptism?(G)

Indeed, if you keep the royal law prescribed in the Scripture, Love your neighbor as yourself,(H)[a] you are doing well. But if you show favoritism,(I) you commit sin and are convicted by the law as transgressors. 10 For whoever keeps the entire law, yet fails in one point, is guilty of breaking it all.(J) 11 For He who said, Do not commit adultery,[b] also said, Do not murder.(K)[c] So if you do not commit adultery, but you do murder, you are a lawbreaker.

12 Speak and act as those who will be judged by the law of freedom.(L) 13 For judgment is without mercy to the one who hasn’t shown mercy.(M) Mercy triumphs over judgment.

Faith and Works

14 What good is it, my brothers, if someone says he has faith but does not have works? Can his faith[d] save him?

15 If a brother or sister is without clothes and lacks daily food 16 and one of you says to them, “Go in peace, keep warm, and eat well,” but you don’t give them what the body needs, what good is it?(N) 17 In the same way faith, if it doesn’t have works, is dead by itself.

18 But someone will say, “You have faith, and I have works.”[e] Show me your faith without works, and I will show you faith from my works.[f](O) 19 You believe that God is one; you do well. The demons also believe—and they shudder.(P)

20 Foolish man! Are you willing to learn that faith without works is useless? 21 Wasn’t Abraham our father justified by works when he offered Isaac his son on the altar? 22 You see that faith was active together with his works, and by works, faith was perfected.(Q) 23 So the Scripture was fulfilled that says, Abraham believed God, and it was credited to him for righteousness,(R)[g] and he was called God’s friend.(S) 24 You see that a man is justified by works and not by faith alone. 25 And in the same way, wasn’t Rahab the prostitute also justified by works when she received the messengers and sent them out by a different route?(T) 26 For just as the body without the spirit is dead, so also faith without works is dead.

Footnotes

  1. James 2:8 Lv 19:18
  2. James 2:11 Ex 20:14; Dt 5:18
  3. James 2:11 Ex 20:13; Dt 5:17
  4. James 2:14 Or Can faith, or Can that faith, or Can such faith
  5. James 2:18 The quotation may end here or after v. 18b or v. 19.
  6. James 2:18 Other mss read Show me your faith from your works, and from my works I will show you my faith.
  7. James 2:23 Gn 15:6

Babala Laban sa mga May Pinapaboran

Mga kapatid, bilang mga mananampalataya ng dakila nating Panginoong Jesu-Cristo, dapat wala kayong pinapaboran. Halimbawa, dumating sa inyong pagtitipon ang isang mayaman na may gintong singsing at nakasuot ng mamahaling damit, at dumating din ang isang mahirap na punit-punit naman ang damit. Kung aasikasuhin nʼyo nang mabuti ang nakasuot ng mamahaling damit at bibigyan ng upuan, samantalang ang mahirap ay patatayuin na lang ninyo o pauupuin sa sahig, hindi baʼt may pinapaboran kayo ayon sa masama ninyong pag-iisip?[a]

Makinig kayo, mga minamahal kong kapatid: Hindi baʼt pinili ng Dios ang mga mahihirap sa mundong ito upang maging mayaman sa pananampalataya, at maging tagapagmana ng kahariang ipinangako niya sa mga nagmamahal sa kanya? Ngunit minamaliit nʼyo naman ang mga mahihirap. Hindi baʼt ang mga mayayaman ang nagpapahirap at nagpaparatang sa inyo? Hindi baʼt sila ang nanlalait sa marangal na pangalan ni Jesu-Cristo, at sa pangalang ito kayo nakilala?

Pero kung sinusunod nʼyo ang utos ng Hari sa Kasulatan, na nagsasabi, “Mahalin mo ang iyong kapwa, gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili,”[b] mabuti ang ginagawa ninyo. Ngunit kung may pinapaboran kayo, nagkakasala kayo at ayon sa Kautusan dapat kayong parusahan, dahil nilabag nʼyo ang utos na ito. 10 Ang tumutupad sa buong Kautusan pero lumabag sa isa sa mga ito ay lumabag na rin sa buong Kautusan. 11 Sapagkat ang Dios na nag-utos, “Huwag kang mangangalunya,” ay nagsabi ring, “Huwag kang papatay.”[c] Hindi ka nga nangangalunya, pero pumapatay ka naman, nilalabag mo pa rin ang Kautusan. 12 Kaya mag-ingat kayo sa pananalita at gawa nʼyo, dahil ang Kautusan na nagpalaya sa inyo ang siya ring hahatol sa inyo. 13 Walang awang hahatulan ng Dios ang hindi marunong maawa; pero ang maawain sa kapwa ay hindi kailangang matakot sa oras ng paghatol.

Ang Pananampalataya at Mabuting Gawa

14 Mga kapatid, ano bang mapapala ng isang tao kung sabihin niyang mayroon siyang pananampalataya, pero wala naman siyang mabuting gawa? Maliligtas ba siya ng ganyang pananampalataya? 15 Halimbawa, walang maisuot at walang makain ang isang kapatid, 16 at sasabihan mo, “Pagpalain ka ng Dios at hindi ka sana ginawin at magutom,” pero hindi mo naman siya binigyan ng kailangan niya, may nagawa ba itong mabuti? 17 Ganito rin naman ang pananampalataya; kung hindi ito kinakikitaan ng mabuting gawa, wala itong kabuluhan.[d]

18 Kung talagang may magsasabi, “May pananampalataya ako, at ikaw naman ay may mabuting gawa.” Ito naman ang isasagot ko, paano ko makikita ang pananampalataya mo kung wala ka namang mabuting gawa? Ipapakita ko sa iyo na may pananampalataya ako sa pamamagitan ng mabuti kong gawa. 19 Naniniwala ka na may iisang Dios? Mabuti iyan! Pero kahit ang masasamang espiritu man ay naniniwala rin, at nanginginig pa nga sa takot. 20 Ikaw na walang pang-unawa, gusto mo bang patunayan ko na walang kabuluhan ang pananampalataya kung walang mabuting gawa? 21 Hindi baʼt itinuring na matuwid ng Dios ang ninuno nating si Abraham dahil sa mabuti niyang gawa nang ihandog niya sa altar ang anak niyang si Isaac? 22 Makikita mo na ang pananampalataya niyaʼy may kasamang mabuting gawa. Naipakita na tunay[e] ang pananampalataya niya sa pamamagitan ng mabuting gawa. 23 Natupad ang sinasabi ng Kasulatan, “Sumampalataya si Abraham sa Dios, at dahil dito, itinuring siyang matuwid. Tinawag pa nga siyang kaibigan ng Dios.”[f] 24 Dito nʼyo makikita na itinuturing na matuwid ng Dios ang tao dahil sa mabuti nitong gawa at hindi dahil sa pananampalataya lamang.

25 Ganoon din si Rahab, ang babaeng bayaran. Itinuring siyang matuwid dahil itinago niya ang mga espiya ng mga Israelita at itinuro ang ibang daan para makatakas sila.

26 Kung paanong patay ang katawang walang espiritu, patay din ang pananampalataya kung walang mabuting gawa.

Footnotes

  1. 2:4 masama ninyong pag-iisip: o, masamang hangarin.
  2. 2:8 Lev. 19:18.
  3. 2:11 Exo. 20:13-14; Deu. 5:17-18.
  4. 2:17 wala itong kabuluhan: sa literal, patay.
  5. 2:22 tunay: o, ganap.
  6. 2:23 Gen. 15:6.