Isaiah 49
New American Standard Bible
Salvation Reaches to the Ends of the Earth
49 Listen to Me, you (A)islands,
And pay attention, you peoples from afar.
(B)The Lord called Me from the womb;
From the [a]body of My mother He named Me.
2 He has made My (C)mouth like a sharp sword,
In the (D)shadow of His hand He has concealed Me;
And He has also made Me a sharpened (E)arrow,
He has hidden Me in His quiver.
3 He said to Me, “(F)You are My Servant, Israel,
(G)In whom I will show My glory.”
4 But I said, “I have (H)labored in vain,
I have spent My strength for nothing and futility;
Nevertheless, the justice due to Me is with the Lord,
And My (I)reward is with My God.”
5 And now says (J)the Lord, who formed Me from the womb to be His Servant,
To bring Jacob back to Him, so that (K)Israel might be gathered to Him
(For I am (L)honored in the sight of the Lord,
And My God is My (M)strength),
6 He says, “It is too [b]small a thing that You should be My Servant
To raise up the tribes of Jacob and to restore the (N)protected ones of Israel;
I will also make You a (O)light [c]of the nations
So that My salvation may [d]reach to the (P)end of the earth.”
7 This is what the Lord, the (Q)Redeemer of Israel and its Holy One,
Says to the [e](R)despised One,
To the One abhorred by the nation,
To the Servant of rulers:
“(S)Kings will see and arise,
Princes will also (T)bow down,
Because of the Lord who is faithful, the Holy One of Israel who has chosen You.”
8 This is what the Lord says:
“At a (U)favorable time I answered You,
And on a day of salvation I helped You;
And I will (V)watch over You and (W)make You a covenant of the people,
To [f](X)restore the land, to give as inheritances the deserted hereditary lands;
9 Saying to those who are (Y)bound, ‘[g]Go free,’
To those who are in darkness, ‘Show yourselves.’
They will feed along the roads,
And their pasture will be on all (Z)bare heights.
10 They will (AA)not hunger or thirst,
Nor will the scorching (AB)heat or sun strike them down;
For (AC)He who has compassion on them will (AD)lead them,
And He will guide them to (AE)springs of water.
11 I will make all (AF)My mountains a road,
And My (AG)highways will be raised up.
12 Behold, these will come (AH)from afar;
And behold, these will come from the (AI)north and from the west,
And these from the land of Aswan.”
13 (AJ)Shout for joy, you heavens! And rejoice, you earth!
Break forth into joyful shouting, mountains!
For the (AK)Lord has comforted His people
And will (AL)have compassion on His afflicted.
Promise to Zion
14 But Zion said, “The Lord has abandoned me,
And the Lord has forgotten me.”
15 “Can a woman forget her nursing child
And have no compassion on the son of her womb?
Even these may forget, but (AM)I will not forget you.
16 Behold, I have (AN)inscribed you on the palms of My hands;
Your (AO)walls are continually before Me.
17 Your [h]builders hurry;
Your (AP)destroyers and devastators
Will leave you.
18 (AQ)Raise your eyes and look around;
(AR)All of them gather together, (AS)they come to you.
(AT)As I live,” declares the Lord,
“You will certainly (AU)put them all on as [i]jewelry and bind them on as a bride.
19 For (AV)your ruins and deserted places and your destroyed land—
Now you will certainly be (AW)too cramped for the inhabitants,
And those who (AX)swallowed you will be far away.
20 The (AY)children [j]you lost will yet say in your ears,
‘The place is too cramped for me;
Make room for me that I may live here.’
21 Then you will (AZ)say in your heart,
‘Who has fathered these for me,
Since I have been bereaved of my children
And (BA)cannot conceive, and I am an (BB)exile, and a wanderer?
And who has raised these?
Behold, I was (BC)left alone;
[k](BD)Where are these from?’”
22 This is what the Lord [l]God says:
“Behold, I will lift up My hand to the nations
And set up My (BE)flag to the peoples;
And they will (BF)bring your sons [m]in their arms,
And your daughters will be carried on their shoulders.
23 (BG)Kings will be your guardians,
And their princesses your nurses.
They will (BH)bow down to you with their faces to the ground
And (BI)lick the dust from your feet;
And you will (BJ)know that I am the Lord;
Those who hopefully (BK)wait for Me will (BL)not be put to shame.
25 Indeed, this is what the Lord says:
“Even the (BN)captives of the mighty man will be taken away,
And the prey of a tyrant will be rescued;
For I will contend with the one who contends with you,
And I will (BO)save your sons.
26 I will feed your (BP)oppressors with their (BQ)own flesh,
And they will become drunk with their own blood as with sweet wine;
And [o](BR)humanity will know that I, the Lord, am your (BS)Savior
And your (BT)Redeemer, the Mighty One of Jacob.”
Footnotes
- Isaiah 49:1 Lit inward parts
- Isaiah 49:6 Lit light
- Isaiah 49:6 Or to
- Isaiah 49:6 Lit be
- Isaiah 49:7 Lit despised of soul
- Isaiah 49:8 Lit establish
- Isaiah 49:9 Lit Go out
- Isaiah 49:17 Ancient versions and DSS; MT sons
- Isaiah 49:18 Lit an ornament
- Isaiah 49:20 Lit of your bereavement
- Isaiah 49:21 Lit These, where are they?
- Isaiah 49:22 Heb YHWH, usually rendered Lord
- Isaiah 49:22 Lit on the chest
- Isaiah 49:24 Ancient versions and DSS; MT the righteous, cf. v 25
- Isaiah 49:26 Lit all flesh
Isaias 49
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Israel ang Tanglaw sa mga Bansa
49 Makinig(A) kayo mga taong naninirahan sa malalayong mga bansa.
Pinili na ako ni Yahweh bago pa isilang, at hinirang niya ako para siya'y paglingkuran.
2 Mga(B) salita ko'y ginawa niyang singtalim ng espada,
siya ang sa aki'y laging nag-iingat.
Ginawa niya akong parang matulis na palaso
na anumang oras ay handang itudla.
3 Sinabi niya sa akin, “Israel, ikaw ay lingkod ko;
sa pamamagitan mo ako'y pupurihin ng mga tao.”
4 Ngunit ang sagot ko, “Ako ay nabigo sa aking pagsisikap,
hindi nagtagumpay gayong ibinuhos ko ang aking lakas.”
Gayunma'y ipinapaubaya ko kay Yahweh ang aking kalagayan,
na ako'y kanyang gagantimpalaan sa aking nakayanan.
5 Bago pa ako ipanganak ay hinirang na ni Yahweh;
pinili niya ako para maging lingkod niya,
upang tipunin ang bayang Israel na nagkawatak-watak.
Binigyan ako ni Yahweh ng karangalan,
sa kanya nagbubuhat ang aking kalakasan.
6 Sinabi(C) sa akin ni Yahweh:
“Israel na aking lingkod, may mas mahalaga pa akong ipapagawa sa iyo.
Bukod sa pagpapanumbalik sa mga Israelitang nalabi,
gagawin din kitang liwanag sa mga bansa
upang ang buong daigdig ay maligtas.”
7 Ganito ang sinabi ni Yahweh, ang Tagapagligtas ng Israel,
sa itinakwil at kinamuhian ng mga bansa
at inalipin ng mga pinuno:
“Makikita ng mga hari ang pagpapalaya sa iyo;
sila'y titindig bilang pagpaparangal sa iyo.
At yuyukod ang mga prinsipe bilang paggalang sa iyo,
sapagkat hinirang ka ni Yahweh, ang banal na Diyos ng Israel.”
Muling Itatayo ang Jerusalem
8 Sinabi(D) pa ni Yahweh sa kanyang bayan:
“Sa tamang panahon ay tinugon kita,
sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita.
Iingatan kita at sa pamamagitan mo
gagawa ako ng kasunduan sa mga tao,
ibabalik kita sa sariling lupain
na ngayon ay wasak na.
9 Palalayain ko ang mga nasa bilangguan
at dadalhin sa liwanag ang mga nasa kadiliman.
Sila'y matutulad sa mga tupang
nanginginain sa masaganang pastulan.
10 Hindi(E) sila magugutom o mauuhaw,
hindi rin sila mabibilad sa matinding hangin at nakakapasong init sa disyerto,
sapagkat papatnubayan sila ng Diyos na nagmamahal sa kanila.
Sila'y gagabayan niya patungo sa bukal ng tubig.
11 Gagawa ako ng daan sa gitna ng kabundukan,
at ako'y maghahanda ng lansangan, upang maging daanan ng aking bayan.
12 Darating ang bayan ko buhat sa malayo,
mula sa hilaga at sa kanluran,
gayon din sa lupain ng Syene sa timog.”
13 O langit, magpuri ka sa tuwa!
Lupa, magalak ka, gayundin kayong mga bundok,
sapagkat inaaliw ni Yahweh ang kanyang hinirang,
sa gitna ng hirap ay kinahahabagan.
14 Ngunit ang sabi ng mga taga-Jerusalem,
“Pinabayaan na tayo ni Yahweh.
Nakalimutan na niya tayo.”
15 Ang sagot ni Yahweh,
“Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak?
Hindi kaya niya mahalin ang sanggol niyang iniluwal?
Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang anak,
hindi ko kayo kakalimutan kahit sandali.
16 Jerusalem, hinding-hindi kita malilimutan.
Pangalan mo'y nakaukit sa aking mga palad.
17 Malapit nang dumating ang muling magtatayo sa iyo,
at ang nagwasak sa iyo ay paalis na.
18 Tumingin ka sa paligid at masdan ang nangyayari.
Ang mga mamamayan mo'y nagtitipun-tipon na upang umuwi.
Ako si Yahweh, ang Diyos na buháy,
ang nagsasabi: ipagmamalaki mo sila balang araw,
tulad ng babaing ikakasal na suot ang kanyang mga alahas.
19 “Aking pinabayaan na mawasak ang iyong bansa,
ngunit ngayon ito'y magiging masikip sa dami ng tao;
at ang mga taong dumurog sa iyo
ay itatapon sa malayo.
20 Sasabihin ng mga anak mo balang araw
na isinilang sa pinagtapunan sa inyo:
‘Ang bayang ito'y maliit na para sa atin.
Kailangan natin ang mas malaking tirahan.’
21 Sasabihin mo naman sa iyong sarili,
‘Kaninong anak ang mga iyon?
Nawala ang mga anak ko, at ako nama'y hindi na magkakaanak.
Itinapon ako sa malayo,
ako'y iniwang nag-iisa.
Saan galing ang mga batang iyon?’”
22 Ang(F) sagot ng Panginoong Yahweh sa kanyang bayan:
“Huhudyatan ko ang mga bansa,
at ang mga anak mo'y iuuwi nila sa iyo.
23 Ang mga hari ay magiging parang iyong ama
at ang mga reyna'y magsisilbing ina.
Buong pagpapakababang yuyukod sila sa iyo
bilang tanda ng kanilang paggalang;
sa gayon ay malalaman mong ako nga si Yahweh.
Hindi mapapahiya ang sinumang magtiwala sa akin.”
24 Mababawi pa ba ang nasamsam ng isang kawal?
Maililigtas pa ba ang bihag ng isang taong malupit?
25 Ang sagot ni Yahweh:
“Ganyan ang mangyayari.
Itatakas ng mga kawal ang kanilang bihag,
at babawiin ang sinamsam ng malupit.
Ako ang haharap sa sinumang lalaban sa iyo,
at ililigtas ko ang iyong mga anak.
26 Hihimukin kong magpatayan ang mga umaapi sa inyo.
Mag-aalab ang kanilang poot, at mahuhumaling sa pagpatay.
Sa gayon makikilala ng sangkatauhan na akong si Yahweh ang Makapangyarihang Diyos,
ang nagligtas sa Israel.”
New American Standard Bible®, Copyright © 1960, 1971, 1977, 1995, 2020 by The Lockman Foundation. All rights reserved.
