Add parallel Print Page Options

Nabubuhay sa kadiliman ang mga tao roon, ngunit makakakita sila ng matinding liwanag.

    Kahit nasa kadiliman sila at natatakot mamatay, maliliwanagan sila.

Panginoon, bigyan nʼyo po sila ng malaking kagalakan, at matutuwa sila sa presensya nʼyo katulad ng mga taong natutuwa kapag panahon na ng anihan, o katulad din ng mga taong nagdiriwang sa paghahati-hati nila ng mga nasamsam sa digmaan. Sapagkat palalayain nʼyo sila sa mga umaapi sa kanila. Magiging katulad sila ng mga hayop na binali nʼyo ang pamatok na kahoy na pasan-pasan nila at ang pamalo na ipinapalo sa kanila. Gagawin nʼyo po sa kanila ang ginawa nʼyo noon nang lupigin nʼyo ang mga taga-Midian.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:4 noon nang lupigin nʼyo ang mga taga-Midian: Tinutukoy nito ang panalo ni Gideon laban sa bansang Midian noong niligtas ng Dios ang Israel sa dayuhang sumasakop sa kanila (Hukom 7–8).