Add parallel Print Page Options

18 Ako(A) at ang mga anak na ibinigay sa akin ng Panginoon ay mga tanda at kababalaghan sa Israel mula sa Panginoon ng mga hukbo, na naninirahan sa Bundok ng Zion.

19 At kapag kanilang sinabi sa inyo, “Sumangguni kayo sa mga multo at masasamang espiritu na humuhuni at bumubulong.” Hindi ba dapat sumangguni ang bayan sa kanilang Diyos, ang mga patay para sa mga buháy?

20 Sa kautusan at sa patotoo! Kung hindi sila nagsasalita nang ayon sa salitang ito ay sa dahilang wala silang umaga.

Read full chapter