Font Size
Isaias 7:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 7:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Ganito ang sabihin mo sa kanya: ‘Humanda ka! Huwag matakot at mabagabag. Huwag kang masisiraan ng loob dahil sa nag-aalab na poot ni Rezin ng Siria at ni Peka na anak ni Remalias; ang dalawang iyon ay parang dalawang putol ng kahoy na umuusok ngunit walang apoy.’ 5 Nagbalak ng masama laban sa iyo ang Siria, ang Israel at ang anak ni Remalias, at kanilang sinabi:
6 ‘Lusubin natin ang Juda,
at sakupin ang Jerusalem.
Gagawin nating hari doon ang anak ni Tabeel.’