Add parallel Print Page Options

Akin namang pipiliin ang kanilang mga kakutyaan, at dadalhan ko sila ng kanilang takot, (A)sapagka't nang ako'y tumawag, walang sumagot; nang ako'y magsalita ay walang nakinig; kundi sila'y nagsigawa ng masama sa harap ng aking mga mata, at pinili ang hindi ko kinaluluguran.

Ang hatol ng Panginoon.

Inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, ninyong nanginginig sa kaniyang salita, Ang inyong mga kapatid na nangagtatanim sa inyo na nangagtatakuwil (B)sa inyo dahil sa akin, nangagsabi, (C)Luwalhatiin ang Panginoon, upang makita namin (D)ang inyong kagalakan; nguni't sila'y mangapapahiya.

Ang ingay ng kagulo na mula sa bayan, ang tinig na mula sa templo, ang tinig ng Panginoon na naggagawad ng kagantihan sa kaniyang mga kaaway.

Read full chapter