Font Size
                  
                
              
            
Isaias 65:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 65:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7     sa kanilang kasalanan at sa kasalanan ng kanilang mga ninuno.
Nagsusunog sila ng insenso sa kabundukan
    at ako'y sinusuway nila sa kaburulan.
Karapat-dapat na parusa ang igagawad ko sa kanilang mga gawa.
8 Sinabi ni Yahweh sa kanyang bayan:
“Ang isang kumpol na ubas ay maaaring gawing alak,
    kaya ang sabi ng mga tao, ‘Huwag ninyo itong sirain,
    sapagkat mayroon itong pagpapala!’
Ganyan din ang gagawin ko alang-alang sa aking mga lingkod,
    hindi ko sila ganap na wawasakin.
9 Pagpapalain ko ang mga salinlahi ni Jacob,
    at kay Juda ibibigay ko ang aking mga bundok.
Mananahan doon ang aking mga bayan na naglingkod sa akin.