Font Size
Isaias 65:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 65:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Bagong Langit at Lupa
17 Ang(A) sabi ni Yahweh: “Ako ay lilikha ng isang bagong lupa at bagong langit;
ang mga bakas ng nakaraan ay ganap ng malilimutan.
18 Kaya naman kayo'y dapat na magalak sa aking ginawa,
ang Jerusalem na aking nilikha ay mapupuno ng saya,
at magiging masaya ang kanyang mamamayan.
19 Ako(B) mismo'y magagalak
dahil sa Jerusalem at sa kanyang mamamayan.
Doo'y wala nang pagtangis o panaghoy man.