Add parallel Print Page Options

“Aking(A) niyapakan ang pisaan ng alak na mag-isa,
    at mula sa mga bayan ay wala akong kasama;
sa aking galit ay akin silang niyapakan,
    at sa aking poot ay akin silang niyurakan;
at ang kanilang dugo ay tumilamsik sa mga suot ko,
    at namantsahan ang lahat ng suot ko.
Sapagkat ang araw ng paghihiganti ay nasa aking puso,
    at ang aking taon ng pagtubos ay dumating.
Ako'y(B) tumingin, ngunit walang sinumang tutulong,
    ako'y namangha ngunit walang umalalay;
kaya't iniligtas ako ng aking sariling kamay,
    at ang aking poot sa akin ay umalalay.

Read full chapter