Add parallel Print Page Options

Lalapit sa iyong liwanag ang mga bansa at ang kanilang mga hari. Tingnan mo ang iyong paligid, nagtitipon na ang iyong mga mamamayan sa malayo para umuwi. Para silang mga batang kinakarga.[a] Kapag nakita mo na ito, matutuwa ka at mag-uumapaw ang iyong kagalakan, dahil ang kayamanan ng mga bansa ay dadalhin dito sa iyo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 60:4 Para silang mga batang kinakarga dahil tinutulungan sila ng mga taga-Persia sa kanilang pag-uwi.