Add parallel Print Page Options

20 Ang iyong araw ay (A)hindi na lulubog, o ang iyo mang buwan ay lulubog; sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong walang hanggang liwanag, at ang mga kaarawan ng iyong pagtangis ay matatapos.

21 Ang iyong bayan naman ay magiging matuwid na (B)lahat; sila'y mangagmamana ng lupain magpakailan man, (C)ang sanga ng aking pananim, ang (D)gawa ng aking mga kamay, upang ako'y luwalhatiin.

22 Ang munti ay magiging isang libo, at (E)ang maliit ay magiging matibay na bansa: akong Panginoon, ay papapangyarihin kong madali sa kapanahunan.

Read full chapter