Add parallel Print Page Options

17 Kahalili ng tanso ay magdadala ako ng ginto, at kahalili ng bakal ay magdadala ako ng pilak, at kahalili ng kahoy ay tanso, at kahalili ng mga bato ay bakal. Akin namang gagawin na iyong mga pinuno ang kapayapaan, at ang iyong mga maniningil ay katuwiran.

18 Karahasan ay hindi na maririnig sa iyong lupain, ni ang kawasakan o kagibaan sa loob ng iyong mga hangganan; (A)kundi tatawagin mo ang iyong mga kuta ng Kaligtasan, (B)at ang iyong mga pintuang-bayan na Kapurihan.

19 Ang araw ay (C)hindi na magiging iyong liwanag sa araw; o ang buwan man ay magbibigay sa iyo ng liwanag: kundi ang Panginoon ay magiging sa iyo ay walang hanggang (D)liwanag, at ang iyong Dios ay iyong kaluwalhatian.

Read full chapter