Add parallel Print Page Options

Ang Pagkatawag kay Isaias

Noong taon ng pagkamatay ni Haring Uzia, nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa napakataas na trono. Ang mahabang damit niya ay tumakip sa buong templo. May mga makalangit na nilalang[a] sa gawing ulo niya. Ang bawat isa sa kanila ay may anim na pakpak: Ang dalawang pakpak ay nakatakip sa kanilang mukha, ang dalawa ay nakatakip sa kanilang paa, at ang dalawa ay ginagamit nila sa paglipad. Sinasabi nila sa isaʼt isa:

“Banal, Banal, Banal, ang Panginoong Makapangyarihan! Ang kapangyarihan niyaʼy sumasakop sa buong mundo.”

Sa lakas ng tinig nila, nayanig ang mga pundasyon ng templo at napuno ng usok ang loob ng templo. Sinabi ko, “Nakakaawa ako! Tiyak na mapapahamak ako, dahil akoʼy may makasalanang labi at naninirahan ako sa piling ng mga taong makasalanan din ang mga labi. At ngayon, nakita ko ang Hari, ang Panginoong Makapangyarihan.”

Pagkatapos, lumipad ang isa sa mga makalangit na nilalang papunta sa akin, may dala siyang baga na kinuha niya sa altar. Inilapat niya ang baga sa aking bibig at sinabi, “Hinipo nito ang iyong bibig, at wala ka nang kasalanan dahil pinatawad ka na.” Pagkatapos, narinig ko ang tinig ng Panginoon na nagsasabi, “Sino ang susuguin ko? Sino ang lalakad para sa amin?” Sumagot ako, “Narito po ako! Ako ang isugo ninyo.”

Sinabi niya, “Umalis ka at sabihin mo sa mga mamamayan ng Israel, ‘Makinig man kayo nang makinig ay hindi rin kayo makakaunawa. Tumingin man kayo nang tumingin, hindi rin kayo makakakita!’ ”

10 Sinabi pa niya, “Patigasin mo ang puso ng mga taong ito. Hayaan mo silang magbingi-bingihan at magbulag-bulagan, dahil baka makarinig sila, makakita, at makaunawa. Dahil kung makaunawa sila, magbabalik-loob sila sa akin, at gagaling.”

11 Nagtanong ako, “Panginoon, gaano katagal?” Sumagot siya, “Hanggang sa mawasak ang mga lungsod ng Israel at wala nang manirahan dito. Hanggang sa wala nang tumira sa mga bahay at ang lupain ay maging tiwangwang at wasak. 12 Hanggang sa palayasin ko ang mga Israelita at ang lupain nila ay mapabayaan na. 13 Kahit maiwan pa ang ikasampung bahagi ng mga Israelita sa lupain ng Israel, lilipulin pa rin sila. Pero may mga pinili akong matitira sa kanila. Ang katulad nilaʼy tuod ng pinutol na punong ensina.”

Footnotes

  1. 6:2 makalangit na nilalang: sa literal, serafim.

Isaiah’s Commission

In the year that King Uzziah(A) died,(B) I saw the Lord,(C) high and exalted,(D) seated on a throne;(E) and the train of his robe(F) filled the temple. Above him were seraphim,(G) each with six wings: With two wings they covered their faces, with two they covered their feet,(H) and with two they were flying. And they were calling to one another:

“Holy, holy(I), holy is the Lord Almighty;(J)
    the whole earth(K) is full of his glory.”(L)

At the sound of their voices the doorposts and thresholds shook and the temple was filled with smoke.(M)

“Woe(N) to me!” I cried. “I am ruined!(O) For I am a man of unclean lips,(P) and I live among a people of unclean lips,(Q) and my eyes have seen(R) the King,(S) the Lord Almighty.”(T)

Then one of the seraphim flew to me with a live coal(U) in his hand, which he had taken with tongs from the altar. With it he touched my mouth and said, “See, this has touched your lips;(V) your guilt is taken away and your sin atoned for.(W)

Then I heard the voice(X) of the Lord saying, “Whom shall I send?(Y) And who will go for us?(Z)

And I said, “Here am I.(AA) Send me!”

He said, “Go(AB) and tell this people:

“‘Be ever hearing, but never understanding;
    be ever seeing, but never perceiving.’(AC)
10 Make the heart of this people calloused;(AD)
    make their ears dull
    and close their eyes.[a](AE)
Otherwise they might see with their eyes,
    hear with their ears,(AF)
    understand with their hearts,
and turn and be healed.”(AG)

11 Then I said, “For how long, Lord?”(AH)

And he answered:

“Until the cities lie ruined(AI)
    and without inhabitant,
until the houses are left deserted(AJ)
    and the fields ruined and ravaged,(AK)
12 until the Lord has sent everyone far away(AL)
    and the land is utterly forsaken.(AM)
13 And though a tenth remains(AN) in the land,
    it will again be laid waste.(AO)
But as the terebinth and oak
    leave stumps(AP) when they are cut down,
    so the holy(AQ) seed will be the stump in the land.”(AR)

Footnotes

  1. Isaiah 6:10 Hebrew; Septuagint ‘You will be ever hearing, but never understanding; / you will be ever seeing, but never perceiving.’ / 10 This people’s heart has become calloused; / they hardly hear with their ears, / and they have closed their eyes