Isaias 59
Ang Biblia (1978)
Ang pagtatapat ng kahinaan ng bansa.
59 Narito, ang kamay ng Panginoon (A)ay hindi umiksi, na di makapagligtas; ni hindi man mahina ang kaniyang pakinig, na di makarinig.
2 (B)Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo, upang siya'y huwag makinig.
3 Sapagka't ang (C)inyong mga kamay ay nadumhan ng dugo, at ang inyong mga daliri ng kasamaan; ang inyong mga labi ay nangagsalita ng mga kasinungalingan, ang inyong dila ay nagsasalita ng kasamaan.
4 Walang dumadaing ng katuwiran (D)at walang nanananggalang ng katotohanan: sila'y nagsisitiwala sa walang kabuluhan, at nangagsasalita ng mga kasinungalingan; (E)sila'y nangaglilihi ng kalikuan, at nanganganak ng kasamaan.
5 Sila'y pumipisa ng mga itlog ng ahas, at gumagawa ng bahay gagamba: ang kumakain ng kanilang itlog ay namamatay; at ang napipisa ay nilalabasan ng ulupong.
6 Ang kanilang mga bahay gagamba ay hindi magiging mga kasuutan, o magsusuot man sila ng kanilang mga gawa: ang kanilang mga gawa ay mga gawa ng kasamaan, at ang kilos ng karahasan ay nasa kanilang mga kamay.
7 Tinatakbo ng kanilang mga paa ang kasamaan, (F)at sila'y nangagmamadaling magbubo ng walang salang dugo: ang kanilang mga pagiisip ay mga pagiisip ng kasamaan; kawasakan at kagibaan ay nasa kanilang mga landas.
8 Ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nalalaman: at walang kahatulan sa kanilang mga lakad: (G)sila'y nagsigawa para sa kanila ng mga likong landas; sinomang lumalakad doon ay hindi nakakaalam ng kapayapaan.
9 Kaya't ang kahatulan ay malayo sa amin, o umaabot man sa amin ang katuwiran: (H)kami'y nagsisihanap ng liwanag, nguni't narito, kadiliman; ng kaliwanagan, nguni't nagsisilakad kami sa kadiliman.
10 Kami'y nagsisikapa sa bakod na (I)parang bulag, oo, kami'y nagsisikapa na gaya nila na walang mga mata: kami'y nangatitisod sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi; sa gitna ng mga malakas, kami'y parang mga patay.
11 Kaming lahat ay nagsisiungol na parang mga oso, at (J)lubhang dumadaing na parang mga kalapati: kami'y nagsisihanap ng kahatulan, nguni't wala; ng kaligtasan, nguni't malayo sa amin.
12 Sapagka't ang aming mga pagsalangsang ay dumami sa harap mo, at ang aming mga kasalanan ay nagpapatotoo laban sa amin; sapagka't ang aming mga pagsalangsang ay sumasaamin, at tungkol sa aming mga kasamaan ay nababatid namin.
13 Pagsalangsang at pagsisinungaling sa Panginoon at sa pagtigil ng pagsunod sa aming Dios, sa pagsasalita ng pagpighati at panghihimagsik, sa pagaakala at (K)paghango sa puso ng mga salitang kasinungalingan.
14 At ang kahatulan ay tumatalikod, at ang katuwiran ay tumatayo sa malayo; sapagka't ang katotohanan ay nahulog sa lansangan, at ang karampatan ay hindi makapasok.
Ang paghihiganti at pagliligtas ng Panginoon.
15 Oo, ang katotohanan ay nagkukulang, at siyang humihiwalay sa kasamaan ay nagiging sa kaniyang sarili na huli. At nakita ng Panginoon, at isinama ng kaniyang loob na walang kahatulan.
16 (L)At kaniyang nakita na walang tao, at namangha na walang tagapamagitan: kaya't ang kaniyang sariling bisig ay nagdala ng kaligtasan sa kaniya; at ang kaniyang katuwiran ay umalalay sa kaniya.
17 At siya'y nagsuot ng katuwiran na (M)wari sapyaw, at ng turbante ng kaligtasan sa kaniyang (N)ulo at siya'y nagsuot ng mga bihisan ng panghihiganti na pinakadamit, at nagbihis ng sikap na wari balabal.
18 Ayon sa kanilang mga gawa, ay gayon (O)niya gagantihin, pusok ng loob sa kaniyang mga kaaway, kagantihan sa kaniyang mga kaalit; sa mga (P)pulo ay gaganti siya ng kagantihan.
19 Sa gayo'y (Q)katatakutan nila ang pangalan ng Panginoon mula sa kalunuran, at ang kaniyang kaluwalhatian ay mula sa sikatan ng araw sapagka't siya'y darating na (R)parang bugso ng tubig na pinayaon ng hinga ng Panginoon.
20 At isang Manunubos ay (S)paroroon sa Sion, at sa kanila, na nangaghihiwalay sa Jacob ng pagsalangsang, sabi ng Panginoon.
21 At tungkol sa akin, (T)ito ang aking tipan sa kanila, sabi ng Panginoon: ang aking Espiritu na nasa iyo, at ang (U)aking mga salita na inilagay ko sa iyong bibig, hindi hihiwalay sa iyong bibig, o sa bibig man ng iyong lahi, o sa bibig man ng angkan ng iyong lahi, sabi ng Panginoon, mula ngayon at magpakailan pa man.
Isaias 59
Ang Biblia, 2001
Laganap na Kasamaan
59 Narito, ang kamay ng Panginoon ay hindi maikli na di makapagligtas;
ni hindi mahina ang kanyang pandinig, na ito'y di makarinig.
2 Ngunit pinaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Diyos,
at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagkubli ng kanyang mukha sa inyo,
anupa't siya'y hindi nakikinig.
3 Sapagkat ang inyong mga kamay ay nadungisan ng dugo,
at ang inyong mga daliri ng kasamaan;
ang inyong mga labi ay nagsalita ng mga kasinungalingan,
ang inyong dila ay nagsasalita ng kasamaan.
4 Walang nagdadala ng usapin na may katarungan,
at nagtutungo sa batas na may katapatan;
sila'y nagtitiwala sa kalituhan, sila'y nagsasalita ng mga kasinungalingan;
sila'y naglilihi ng kalikuan, at nanganganak ng kasamaan.
5 Sila'y pumipisa ng mga itlog ng ahas,
at gumagawa ng bahay ng gagamba;
ang kumakain ng kanilang itlog ay namamatay,
at ang napipisa ay nilalabasan ng ulupong.
6 Ang kanilang mga bahay ng gagamba ay hindi magiging mga kasuotan,
hindi nila matatakpan ang kanilang sarili ng kanilang mga ginawa.
Ang kanilang mga gawa ay mga gawa ng kasamaan,
at ang mararahas na gawa ay nasa kanilang mga kamay.
7 Ang(A) kanilang mga paa ay tumatakbo sa kasamaan,
at sila'y nagmamadaling nagpapadanak ng dugong walang kasalanan,
ang kanilang mga pag-iisip ay mga pag-iisip ng kasamaan,
pagwasak at paggiba ang nasa kanilang mga daan.
8 Ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nalalaman,
sa kanilang mga lakad ay walang katarungan,
ginawa nilang liku-liko ang kanilang mga daan,
sinumang lumalakad doon ay hindi nakakaalam ng kapayapaan.
Inamin ng mga Tao ang Kanilang Kasalanan
9 Kaya't malayo sa amin ang katarungan,
at hindi umaabot sa amin ang katuwiran,
kami'y naghahanap ng liwanag, ngunit, narito ang kadiliman;
at ng kaliwanagan, ngunit naglalakad kami sa kadiliman.
10 Kami'y nangangapa sa bakod na parang bulag,
oo, kami'y nangangapa na gaya nila na walang mga mata,
kami'y natitisod sa katanghaliang-tapat na gaya sa gabi,
sa gitna ng malalakas, kami'y parang mga patay.
11 Kaming lahat ay umuungol na parang mga oso,
kami'y dumaraing nang may kalungkutan parang mga kalapati,
kami'y naghahanap ng katarungan, ngunit wala;
ng kaligtasan, ngunit iyon ay malayo sa amin.
12 Sapagkat ang aming mga pagsuway ay dumami sa harapan mo,
at ang aming mga kasalanan ay nagpapatotoo laban sa amin,
sapagkat ang aming mga pagsuway ay kasama namin,
at ang sa aming mga kasamaan ay nalalaman namin;
13 na sinusuway at itinatatwa ang Panginoon,
at lumalayo sa pagsunod sa aming Diyos,
na nagsasalita ng pang-aapi at paghihimagsik,
na nagbabalak at nagsasalita mula sa puso ng mga salitang kasinungalingan.
14 Ang katarungan ay tumatalikod,
at ang katuwiran ay tumatayo sa malayo;
sapagkat ang katotohanan ay nahulog sa lansangan,
at hindi makapasok ang katuwiran.
15 Nagkukulang sa katotohanan,
at ang humihiwalay sa kasamaan ay ginagawang biktima ang kanyang sarili.
Ito'y nakita ng Panginoon,
at ikinasama ng kanyang loob na walang katarungan.
16 Kanyang(B) nakita na walang tao,
at namangha na walang sinumang mamamagitan;
kaya't ang kanyang sariling bisig ay nagdala ng tagumpay sa kanya,
at ang kanyang katuwiran ay umalalay sa kanya.
17 At(C) bilang baluti ay nagsuot siya ng katuwiran,
at sa kanyang ulo ay helmet ng kaligtasan;
siya'y nagdamit ng mga bihisan ng paghihiganti bilang kasuotan,
at bilang balabal ang sarili ay binalutan ng sikap.
18 Ayon sa kanilang mga gawa, ay gayon niya gagantihin,
poot sa kanyang mga kalaban, ganti sa kanyang mga kaaway;
sa mga pulo ay ganti ang kanyang ipapataw.
19 Sa gayo'y katatakutan nila ang pangalan ng Panginoon mula sa kanluran,
at ang kanyang kaluwalhatian ay mula sa sikatan ng araw,
sapagkat siya'y darating na parang bugso ng tubig
na itinataboy ng hininga ng Panginoon.
20 “Ang(D) isang Manunubos ay darating sa Zion,
at sa kanila sa Jacob na humihiwalay sa pagsuway, sabi ng Panginoon.
21 “At tungkol sa akin, ito ang aking tipan sa kanila, sabi ng Panginoon: ang aking Espiritu na nasa iyo at ang aking mga salita na inilagay ko sa iyong bibig, ay hindi hihiwalay sa iyong bibig, o sa bibig man ng iyong lahi, o sa bibig man ng angkan ng iyong lahi, sabi ng Panginoon, mula ngayon at magpakailanpaman.”
Isaiah 59
New Revised Standard Version, Anglicised
Injustice and Oppression to Be Punished
59 See, the Lord’s hand is not too short to save,
nor his ear too dull to hear.
2 Rather, your iniquities have been barriers
between you and your God,
and your sins have hidden his face from you
so that he does not hear.
3 For your hands are defiled with blood,
and your fingers with iniquity;
your lips have spoken lies,
your tongue mutters wickedness.
4 No one brings suit justly,
no one goes to law honestly;
they rely on empty pleas, they speak lies,
conceiving mischief and begetting iniquity.
5 They hatch adders’ eggs,
and weave the spider’s web;
whoever eats their eggs dies,
and the crushed egg hatches out a viper.
6 Their webs cannot serve as clothing;
they cannot cover themselves with what they make.
Their works are works of iniquity,
and deeds of violence are in their hands.
7 Their feet run to evil,
and they rush to shed innocent blood;
their thoughts are thoughts of iniquity,
desolation and destruction are in their highways.
8 The way of peace they do not know,
and there is no justice in their paths.
Their roads they have made crooked;
no one who walks in them knows peace.
9 Therefore justice is far from us,
and righteousness does not reach us;
we wait for light, and lo! there is darkness;
and for brightness, but we walk in gloom.
10 We grope like the blind along a wall,
groping like those who have no eyes;
we stumble at noon as in the twilight,
among the vigorous[a] as though we were dead.
11 We all growl like bears;
like doves we moan mournfully.
We wait for justice, but there is none;
for salvation, but it is far from us.
12 For our transgressions before you are many,
and our sins testify against us.
Our transgressions indeed are with us,
and we know our iniquities:
13 transgressing, and denying the Lord,
and turning away from following our God,
talking oppression and revolt,
conceiving lying words and uttering them from the heart.
14 Justice is turned back,
and righteousness stands at a distance;
for truth stumbles in the public square,
and uprightness cannot enter.
15 Truth is lacking,
and whoever turns from evil is despoiled.
The Lord saw it, and it displeased him
that there was no justice.
16 He saw that there was no one,
and was appalled that there was no one to intervene;
so his own arm brought him victory,
and his righteousness upheld him.
17 He put on righteousness like a breastplate,
and a helmet of salvation on his head;
he put on garments of vengeance for clothing,
and wrapped himself in fury as in a mantle.
18 According to their deeds, so will he repay;
wrath to his adversaries, requital to his enemies;
to the coastlands he will render requital.
19 So those in the west shall fear the name of the Lord,
and those in the east, his glory;
for he will come like a pent-up stream
that the wind of the Lord drives on.
20 And he will come to Zion as Redeemer,
to those in Jacob who turn from transgression, says the Lord.
21 And as for me, this is my covenant with them, says the Lord: my spirit that is upon you, and my words that I have put in your mouth, shall not depart out of your mouth, or out of the mouths of your children, or out of the mouths of your children’s children, says the Lord, from now on and for ever.
Footnotes
- Isaiah 59:10 Meaning of Heb uncertain
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
New Revised Standard Version Bible: Anglicised Edition, copyright © 1989, 1995 the Division of Christian Education of the National Council of the Churches of Christ in the United States of America. Used by permission. All rights reserved.
