Add parallel Print Page Options

Babala sa mga Makasalanan

59 Makinig kayo! Ang Panginoon ay hindi mahina para hindi makapagligtas. Hindi rin siya bingi para hindi makarinig kapag tumawag kayo sa kanya. Ang inyong mga kasalanan ang siyang naglayo sa inyo sa Dios at iyon ang dahilan kung bakit niya kayo tinalikuran at ayaw nang makinig sa inyong mga dalangin. Pumapatay kayo ng tao, at gumagawa pa ng ibang kasamaan. Nagsisinungaling kayo at nagsasalita ng masama. Wala sa isip ninyo ang katarungan; ang mga bintang ninyo sa inyong kapwa ay puro mga kasinungalingan. Ang inyong iniisip ay masama, at iyon ay inyong ginagawa. 5-6 Ang masasamang plano nʼyo ay parang itlog ng makamandag na ahas; ang sinumang kumain nito ay mamamatay. Katulad din ito ng bahay ng gagamba na hindi maaaring gawing damit kaya walang kabuluhan ang masasama ninyong plano. Masama ang ginagawa nʼyo at namiminsala kayo. Nagmamadali kayong gumawa ng masama at mabilis ang kamay ninyong pumatay ng walang kasalanan. Palaging masama ang iniisip ninyo, at kahit saan kayo pumunta ay wala kayong ginawa kundi kapahamakan at kasiraan. Wala kayong alam tungkol sa mapayapang pamumuhay. Binabalewala ninyo ang katarungan at binabaluktot pa ninyo ito. Ang sinumang sumunod sa inyong mga ginagawa ay hindi rin makakaranas ng mapayapang pamumuhay. Kaya nga hindi pa pinarurusahan ng Dios ang ating mga kaaway, at hindi pa natin natatamo ang tagumpay at katuwiran. Naghintay tayo ng liwanag pero dilim ang dumating, kaya lumalakad tayo sa dilim. 10 Nangangapa tayo na parang bulag. Natitisod tayo kahit katanghaliang tapat, na parang lumalakad sa dilim. Tayoʼy parang mga patay kung ihahambing sa mga taong malakas. 11 Umuungal tayo sa hirap na parang oso at dumadaing na parang mga kalapati. Hinihintay nating parusahan na ng Dios ang ating mga kaaway at tayoʼy iligtas, pero hindi pa rin nangyayari. 12 Sapagkat napakarami na ng ating mga kasalanan sa Dios at iyan ang nagpapatunay na dapat tayong parusahan. At talaga namang alam natin na gumagawa tayo ng masama. 13 Nagrebelde tayo at nagtaksil sa Panginoon. Itinakwil natin ang ating Dios. Inaapi natin at sinisiil ang ating kapwa. Pinag-iisipan natin ng mabuti kung paano magsalita ng kasinungalingan. 14 Iyan ang dahilan kung bakit hindi pa pinarurusahan ng Dios ang ating mga kaaway at hindi pa niya tayo binibigyan ng tagumpay na may katuwiran. Sapagkat hindi na matagpuan ang katotohanan kahit saan, at ang mga tao ay hindi na mapagkakatiwalaan. 15 Oo, nawala na ang katotohanan, at ang mga umiiwas sa kasamaan ay inuusig.

Nakita ito ng Panginoon at nalulungkot siya dahil sa kawalan ng katarungan. 16 Nagtataka siya sa kanyang nakita na wala kahit isa man na tumutulong sa mga inaapi. Kung kaya, gagamitin niya ang kanyang kapangyarihan sa pagliligtas sa kanila. At dahil matuwid siya, tutulungan niya sila. 17 Gagamitin niyang panangga sa dibdib ang katuwiran, at helmet ang kaligtasan. Isusuot niya na parang damit ang paghihiganti at ang matindi niyang galit. 18 Gagantihan niya ang kanyang mga kaaway ayon sa kanilang ginawa, pati na ang mga nasa malalayong lugar.[a] Madadama nila ang kanyang galit. 19 Igagalang siya at dadakilain kahit saan, dahil darating siya na parang rumaragasang tubig na pinapadpad ng napakalakas na hangin.[b]

20 Sinabi ng Panginoon, “Darating sa Zion[c] ang magliligtas sa inyong mga lahi ni Jacob, at kanyang ililigtas ang mga nagsisisi sa kanilang mga kasalanan. 21 At ito ang kasunduan ko sa inyo: Hindi mawawala ang aking Espiritu na nasa inyo at ang mga salitang sinabi ko sa inyo. Sabihin ninyo ito sa inyong mga anak, at kailangang sabihin din ito ng inyong mga anak sa kanilang mga anak hanggang sa susunod pang mga henerasyon. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Footnotes

  1. 59:18 malalayong lugar: o, mga isla; o, mga lugar malapit sa dagat.
  2. 59:19 napakalakas na hangin: o, Espiritu ng Dios; o, hangin na mula sa Dios.
  3. 59:20 Zion: o, Jerusalem.

The Evil That People Do

59 Surely the Lord’s power is enough to save you.
    He can hear you when you ask him for help.
It is your evil that has separated
    you from your God.
Your sins cause him to turn away from you.
    And then he does not hear you.
With your hands you have killed others.
    Your fingers are covered with blood from killing people.
With your lips you have lied.
    With your tongue you say evil things.
People take each other to court unfairly.
    No one tells the truth in arguing his case.
They accuse each other falsely and tell lies.
    They cause trouble and create more evil.
They hatch evil like eggs from poisonous snakes.
    If you eat one of those eggs, you will die.
    And if you break one open, a poisonous snake comes out.
People tell lies as they would spin a spider’s web.
    The webs they make cannot be used for clothes.
    You can’t cover yourself with those webs.
The things they do are evil.
    They use their hands to hurt others.
They eagerly run to do evil.
    They are always ready to kill innocent people.
They think evil thoughts.
    Everywhere they go they cause ruin and destruction.
They don’t know how to live in peace.
    There is no fairness in their lives.
They are dishonest.
    Anyone who lives as they live will never have peace.

Israel’s Sin Brings Trouble

Fairness has gone far away.
    Goodness is nowhere to be found.
We wait for the light, but there is only darkness now.
    We hope for a bright light, but all we have is darkness.
10 We are like blind people feeling our way along a wall.
    We have to feel our way as if we had no eyes.
In the brightness of day we trip as if it were night.
    We are like dead men among the strong.
11 All of us growl like the bears.
    We call out sadly like the doves.
We look for justice, but there isn’t any.
    We want to be saved, but salvation is far away.

12 We have done many wrong things against our God.
    Our sins show we are wrong.
We know we have turned against God.
    We know the evil things we have done.
13 We have sinned and turned against the Lord.
    We have turned away from our God.
We have planned to hurt others and to disobey God.
    We have planned and spoken lies.
14 We have driven away justice.
    We have kept away from what is right.
Truth is not spoken in the streets.
    What is honest is not allowed to enter the city.
15 Truth cannot be found anywhere.
    And people who refuse to do evil are attacked.

The Lord looked and could not find any justice.
    And he was displeased.
16 He could not find anyone to help the people.
    He was surprised that there was no one to help.
So the Lord used his own power to save the people.
    His own goodness gave him strength.
17 The Lord covered himself with goodness like armor.
    He put on the helmet of salvation.
He put on the clothes of punishment.
    And he put on the coat of his strong love.
18 The Lord will pay back his enemies for what they have done.
    He will show his anger to those who were against him.
He will punish the people in faraway places.
    He will give them the punishment they should have.
19 Then people from the west will fear the Lord.
    People in the east will fear his glory.
The Lord will come quickly like a fast-flowing river,
    driven by the breath of the Lord.

20 “Then a close relative who will save you will come to Jerusalem.
    He will come to the people of Jacob who sinned but turned back to God,”
    says the Lord.

21 The Lord says, “I will make an agreement with these people. I promise that my Spirit and my words that I give you will never leave you. They will be with your children and your grandchildren. They will be with you now and forever.”