Add parallel Print Page Options

18 Gagantihan niya ang kanyang mga kaaway ayon sa kanilang ginawa, pati na ang mga nasa malalayong lugar.[a] Madadama nila ang kanyang galit. 19 Igagalang siya at dadakilain kahit saan, dahil darating siya na parang rumaragasang tubig na pinapadpad ng napakalakas na hangin.[b]

20 Sinabi ng Panginoon, “Darating sa Zion[c] ang magliligtas sa inyong mga lahi ni Jacob, at kanyang ililigtas ang mga nagsisisi sa kanilang mga kasalanan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 59:18 malalayong lugar: o, mga isla; o, mga lugar malapit sa dagat.
  2. 59:19 napakalakas na hangin: o, Espiritu ng Dios; o, hangin na mula sa Dios.
  3. 59:20 Zion: o, Jerusalem.