Add parallel Print Page Options

Iyan baga ang ayuno na aking pinili? ang araw na pagdadalamhatiin ng tao ang kaniyang kaluluwa? Ang iyuko ang kaniyang ulo na parang yantok, at maglatag ng magaspang na kayo at abo sa ilalim niya? iyo bang tatawagin ito na ayuno, at kalugodlugod na araw sa Panginoon?

Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, (A)na pagaanin ang mga pasan at (B)papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang?

(C)Hindi baga ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutom, at dalhin mo sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan? pagka nakakakita ka ng hubad, na iyong bihisan; at huwag kang magkubli sa iyong kapuwa-tao?

Read full chapter