Font Size
Isaias 55:8-10
Magandang Balita Biblia
Isaias 55:8-10
Magandang Balita Biblia
8 Ang sabi ni Yahweh,
“Ang aking kaisipa'y hindi ninyo kaisipan,
ang inyong kaparaanan ay hindi ko kaparaanan.
9 Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa,
ang aking kaparaanan ay higit kaysa inyong kaparaanan,
at ang aking kaisipan ay hindi maaabot ng inyong kaisipan.
10 “Ang(A) ulan at yelo na bumabagsak mula sa langit ay hindi na nagbabalik,
kundi dinidilig nito ang lupa,
kaya lumalago ang mga halaman at namumunga
at nagbibigay ng butil na panghasik, at tinapay upang maging pagkain.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.