Font Size
Isaias 54:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 54:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 “Noong(A) panahon ni Noe, ako ay sumumpang
hindi na mauulit na ang mundong ito'y gunawin sa tubig.
Aking ipinapangako ngayon, hindi na ako magagalit sa iyo,
at hindi na kita paparusahan muli.
10 Maguguho(B) ang mga bundok at ang mga burol ay mayayanig,
ngunit ang wagas na pag-ibig ko'y hindi maglalaho,
at mananatili ang kapayapaang aking ipinangako.”
Iyan ang sinasabi ni Yahweh, na nagmamahal sa iyo.
Ang Jerusalem sa Panahong Darating
11 Sinabi(C) (D) ni Yahweh,
“O Jerusalem, nagdurusang lunsod
na walang umaliw sa kapighatian.
Muling itatayo ang mga pundasyon mo, ang gagamitin ko'y mamahaling bato.