Add parallel Print Page Options

“Sapagkat(A) para sa akin ito ay parang tubig sa panahon ni Noe;
    gaya ng aking ipinangako,
    na ang tubig sa panahon ni Noe ay hindi na aapaw pa sa lupa,
gayon ako'y nangako na hindi ako magagalit sa iyo,
    at hindi ka na kagagalitan.
10 Sapagkat ang mga bundok ay maaaring umalis,
    at ang mga burol ay mapalipat;
ngunit ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo,
    o ang aking tipan ng kapayapaan ay hindi maaalis,
    sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo.

Bagong Jerusalem

11 “O(B) ikaw na nagdadalamhati, na pinapaspas ng bagyo, at hindi naaaliw,
    narito, aking ilalagay ang iyong mga bato na may magagandang kulay,
    at lalagyan ko ng mga zafiro ang iyong pundasyon.

Read full chapter