Add parallel Print Page Options

Sa ilang sandali ay kinalimutan kita;
    ngunit titipunin kita sa pamamagitan ng malaking pagkahabag!
Sa nag-uumapaw na poot nang sandali,
    ay ikinubli ko ang aking mukha sa iyo,
ngunit kinaawaan kita sa pamamagitan ng walang hanggang kagandahang-loob,
    sabi ng Panginoon, na iyong Manunubos.

“Sapagkat(A) para sa akin ito ay parang tubig sa panahon ni Noe;
    gaya ng aking ipinangako,
    na ang tubig sa panahon ni Noe ay hindi na aapaw pa sa lupa,
gayon ako'y nangako na hindi ako magagalit sa iyo,
    at hindi ka na kagagalitan.

Read full chapter