Font Size
Isaias 53:9-11
Ang Biblia, 2001
Isaias 53:9-11
Ang Biblia, 2001
9 At(A) ginawa nila ang kanyang libingan na kasama ng masasama,
at kasama ng isang lalaking mayaman sa kanyang kamatayan;
bagaman hindi siya gumawa ng karahasan,
o walang anumang pandaraya sa kanyang bibig.
10 Gayunma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya;
kanyang inilagay siya sa pagdaramdam;
kapag gagawin niya ang kanyang kaluluwa bilang handog pangkasalanan,
makikita niya ang kanyang supling, pahahabain niya ang kanyang mga araw;
at ang kalooban ng Panginoon ay uunlad sa kanyang kamay.
11 Kanyang makikita ang bunga ng paghihirap ng kanyang kaluluwa,
at masisiyahan sa pamamagitan ng kanyang kaalaman.
Aariing-ganap ng matuwid kong lingkod ang marami,
at papasanin niya ang kanilang mga kasamaan.