Font Size
Isaias 53:2-4
Ang Biblia, 2001
Isaias 53:2-4
Ang Biblia, 2001
2 Sapagkat siya'y tumubo sa harapan niya na gaya ng sariwang pananim,
at gaya ng ugat sa tuyong lupa.
Siya'y walang anyo o kagandahan man na dapat nating pagmasdan siya,
at walang kagandahan na maiibigan natin sa kanya.
3 Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao;
isang taong nagdurusa, at sanay sa kalungkutan;
at gaya ng isa na pinagkublihan ng mukha ng mga tao,
siya'y hinamak, at hindi natin siya pinahalagahan.
4 Tunay(A) na kanyang pinasan ang ating mga karamdaman,
at dinala ang ating mga kalungkutan;
gayunma'y ating itinuring siya na hinampas,
sinaktan ng Diyos at pinahirapan.