Add parallel Print Page Options

10 Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, (A)makikita niya ang kaniyang lahi, (B)pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay.

11 Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: (C)sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng (D)aking matuwid na lingkod ang marami; at (E)dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan.

12 (F)Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang (G)hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at (H)ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma'y dinala niya ang kasalanan ng marami, at (I)namagitan sa mga mananalangsang.

Read full chapter