Add parallel Print Page Options

Ililigtas ng Dios ang Jerusalem

52 Bumangon ka, O Zion, at magpakatatag. Ipakita mo ang iyong kapangyarihan, O banal na lungsod ng Jerusalem, dahil ang mga kaaway mong hindi mga Israelita,[a] na itinuturing mong marumi ay hindi na muling makakapasok sa iyo. Huwag ka nang malungkot katulad ng taong nagluluksa na nakaupo sa lupa. Bumangon ka na at muling mamahala. At kayong mga mamamayan ng Jerusalem, palayain nʼyo na ang inyong sarili mula sa pagkabihag.

Read full chapter

Footnotes

  1. 52:1 hindi mga Israelita: sa literal, mga hindi tuli.