Add parallel Print Page Options

Sapagka't sila'y lalamunin ng tanga na (A)parang bihisan, at kakanin sila ng uod na parang bihisan na balahibo ng tupa; nguni't ang aking katuwiran ay magiging magpakailan man, at ang aking pagliligtas ay sa lahat ng sali't saling lahi.

Ang tagapagligtas mula sa Egipto ay tinawagan upang tumulong.

(B)Gumising ka, gumising ka, magbihis ka ng kalakasan, Oh (C)bisig ng Panginoon; gumising ka na (D)gaya nang kaarawan noong una, nang mga lahi ng mga dating panahon. Hindi baga ikaw ang pumutol ng (E)Rahab, na sumaksak (F)sa buwaya?

10 Hindi baga ikaw ang tumuyo (G)sa dagat, sa tubig ng malaking kalaliman; na iyong pinapaging daan ang kalaliman ng dagat (H)upang daanan ng natubos?

Read full chapter