Add parallel Print Page Options

“Kaaawaan ko ang Jerusalem[a] na nawasak. Ang mga disyerto nito ay gagawin kong parang halamanan ng Eden. Maghahari sa Jerusalem ang kagalakan, pasasalamat at pag-aawitan.

“Mga mamamayan ko, makinig kayo sa akin. Dinggin ninyo ako, O bansa ko! Ibibigay ko ang aking kautusan at magsisilbi itong ilaw sa mga bansa. Malapit ko na kayong bigyan ng tagumpay. Hindi magtatagal at ililigtas ko na kayo. Ako ang mamamahala sa mga bansa. Ang mga nasa malalayong lugar[b] ay maghihintay sa akin at maghahangad ng aking kapangyarihan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 51:3 Jerusalem: sa Hebreo, Zion.
  2. 51:5 malalayong lugar: o, mga isla; o, mga lugar malapit sa dagat.