Isaias 51:3-5
Ang Biblia (1978)
3 Sapagka't (A)inaliw ng Panginoon ang Sion; kaniyang pinasaya ang lahat niyang (B)sirang dako, at ginawa niyang parang Eden ang kaniyang ilang, at ang kaniyang lupang masukal ay (C)parang halamanan ng Panginoon; kagalakan at kasayahan ay masusumpungan doon, pagpapasalamat, at tinig na mainam.
4 Makinig ka sa akin, Oh bayan ko; at pakinggan mo ako, Oh bansa ko: (D)sapagka't isang kautusan ay magmumula sa akin, at ang aking kahatulan ay gagawin kong (E)pinakaliwanag sa mga bayan.
5 Ang katuwiran ko ay (F)malapit, ang aking pagliligtas ay lumabas, (G)at hahatol ang aking mga bisig sa mga bayan; ang mga pulo ay magsisipaghintay (H)sa akin, at sa aking bisig ay magsisitiwala sila.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978