Add parallel Print Page Options

15 Sapagka't ako ang Panginoon mong Dios, (A)na nagpapahugong sa dagat, na ang mga alon niyao'y humuhugong: ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan.

16 At inilagay ko ang aking mga salita (B)sa iyong bibig, at tinakpan kita (C)sa lilim ng aking kamay, upang aking mailadlad ang mga langit, at mailagay ang mga patibayan ng lupa, at magsabi sa Sion, Ikaw ay aking bayan.

17 Gumising ka, (D)gumising ka, tumayo ka, Oh Jerusalem, na uminom ka sa kamay ng Panginoon sa (E)saro ng kaniyang kapusukan; iyong ininuman (F)ang saro ng pangpagiray, at iyong sinaid.

Read full chapter