Add parallel Print Page Options

Binigyan ako ng Panginoong Dios ng dila ng nangaturuan, (A)upang aking maalaman kung paanong aaliwin ng mga salita siyang nanglulupaypay. (B)Siya'y nagigising tuwing umaga, ginigising niya ang aking pakinig upang makinig na gaya ng mga natuturuan.

Binuksan ng Panginoong Dios ang aking pakinig, at ako'y (C)hindi naging mapanghimagsik, o tumalikod man.

(D)Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, (E)at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura.

Read full chapter