Add parallel Print Page Options

Awit tungkol sa Ubasan

Aawit ako para sa aking minamahal tungkol sa kanyang ubasan:

    May ubasan ang aking minamahal sa burol na mataba ang lupa.
Inararo niya ito, inalisan ng mga bato, at tinamnan ng mga piling ubas.
    Nagtayo siya ng isang bantayang tore sa ubasang ito, at nagpagawa ng pigaan ng ubas sa bato.
    Pagkatapos, naghintay siyang magbunga ito ng matamis,
    pero nagbunga ito ng maasim.

Kaya ito ang sinabi ng may-ari ng ubasan: “Kayong mga mamamayan ng Jerusalem at Juda, hatulan nʼyo ako at ang aking ubasan.

Read full chapter