Add parallel Print Page Options

12 Darating ang aking mga mamamayan mula sa malayo. Manggagaling ang iba sa hilaga, ang iba namaʼy sa kanluran, at ang ibaʼy galing pa sa Sinim.”[a]

13 Umawit ka sa tuwa, O langit. At magalak ka, O mundo! Umawit kayo, kayong mga bundok. Sapagkat kaaawaan at aaliwin ng Panginoon ang kanyang mga mamamayang nahihirapan. 14 Pero sinabi ng mga taga-Jerusalem,[b] “Pinabayaan na kami ng Panginoon; nakalimutan na niya kami.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 49:12 Sinim: Sa ibang tekstong Hebreo, Aswan. Itoʼy isang lugar sa timog ng Egipto.
  2. 49:14 Jerusalem: sa Hebreo, Zion.