Isaias 48
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Matigas ang Ulo ng mga Israelita
48 “Makinig kayo, mga lahi ni Jacob, kayong tinatawag na Israel, at nagmula sa lahi ni Juda. Sumusumpa kayo sa pangalan ng Panginoon at tumatawag sa Dios ng Israel. Pero pakunwari lang pala, dahil hindi naman matuwid ang inyong pamumuhay. 2 Sinasabi pa ninyong kayoʼy mga mamamayan ng banal na lungsod, at nagtitiwala kayo sa Dios ng Israel, na ang pangalan ay Panginoong Makapangyarihan.” 3 Sinabi niya sa inyo, “Sinabi ko na noon pa kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap. At itoʼy aking isinakatuparan. 4 Alam ko kung gaano katigas ang inyong ulo. Ang inyong leeg ay kasintigas ng bakal at ang inyong noo ay kasintigas ng tanso. 5 Kaya sinabi ko na agad sa inyo ang aking gagawin. Noong hindi pa ito nangyayari, sinabi ko na ito sa inyo para hindi ninyo masabing ang inyong mga rebultong dios-diosan na gawa sa kahoy at bakal ang siyang humula at nagsagawa nito. 6 Narinig ninyo ang aking mga propesiya at nakita ninyo ang katuparan ng mga ito, pero ayaw ninyong tanggapin na ako ang gumawa nito. Mula ngayon, sasabihin ko sa inyo ang mga bagong bagay na hindi ko pa ipinahayag sa inyo. Hindi pa ninyo ito alam. 7 Ngayon ko pa lamang ito gagawin para hindi ninyo masabing itoʼy alam na ninyo. 8 Hindi ninyo napakinggan o naunawaan ang mga bagay na ito dahil mula pa noon nagbibingi-bingihan na kayo. Alam ko ang inyong kataksilan dahil mula pa noong kayoʼy isinilang mga rebelde na kayo. 9 Alang-alang sa karangalan ko, pinigilan ko ang aking galit sa inyo para hindi kayo malipol. 10 Lilinisin ko kayo pero hindi katulad ng paglilinis sa pilak, dahil lilinisin ko kayo sa pamamagitan ng paghihirap. 11 Gagawin ko ito para sa aking karangalan. Hindi ako papayag na ako ay mapahiya at ang mga dios-diosan ay maparangalan.
12 “Makinig kayo sa akin, kayong mga taga-Israel na aking pinili. Ako ang Dios; ako ang pasimula at ang wakas ng lahat. 13 Ako ang naglagay ng pundasyon ng mundo at ako rin ang nagladlad ng langit. Kapag nag-utos ako sa mga ito, itoʼy sumusunod.
14 “Magtipon kayong lahat at makinig: Sino sa mga dios-diosan ang humulang lulusubin ng aking kaibigan[a] ang Babilonia para sundin ang ipinapagawa ko laban sa bansang iyon? Wala! 15 Ako ang nagsabi sa kanya at ako rin ang tumawag sa kanya. Sinugo ko siya at pinagtagumpay sa kanyang ginawa. 16 Lumapit kayo sa akin at pakinggan ito: Mula pa ng pasimula hindi ako nagsalita nang lihim. Sa panahon na nangyari ang sinabi ko, naroon ako.”
At ngayon sinugo ako ng Panginoong Dios at ng kanyang Espiritu na sabihin ito: 17 “Sinasabi ng Panginoon na inyong Tagapagligtas, ang Banal na Dios ng Israel: Ako ang Panginoon na inyong Dios na nagturo sa inyo kung ano ang mabuti para sa inyo at ako ang pumatnubay sa inyo sa tamang daan. 18 Kung kayo lamang ay sumunod sa aking mga utos, dumaloy sana na parang ilog ang mga pagpapala sa inyo, at ang inyong tagumpay[b] ay sunud-sunod sana na parang alon na dumarating sa dalampasigan. 19 Ang inyo sanang mga lahi ay naging kasindami ng buhangin na hindi mabilang, at tinitiyak kong hindi sila mapapahamak.”
20 Umalis kayo sa Babilonia! Buong galak ninyong ihayag sa buong mundo[c] na iniligtas ng Panginoon ang kanyang lingkod, ang mga mamamayan ng Israel.[d] 21 Hindi sila nauhaw nang patnubayan sila ng Dios sa ilang, dahil pinaagos niya ang tubig mula sa bato para sa kanila. Biniyak niya ang bato at umagos ang tubig. 22 Pero ang masasama ay hindi magkakaroon ng kapayapaan, sabi ng Panginoon.
Isaiah 48
New American Standard Bible
Israel’s Obstinacy
48 “(A)Hear this, house of Jacob, who are named Israel
And who came from the (B)waters of Judah,
Who (C)swear by the name of the Lord
And invoke the God of Israel,
But not in truth nor in (D)righteousness.
2 For they name themselves after the (E)holy city,
And (F)lean on the God of Israel;
The Lord of armies is His name.
3 I (G)declared the former things long ago,
And they went out of My mouth, and I proclaimed them.
(H)Suddenly I acted, and they (I)came to pass.
4 Because I know that you are [a](J)obstinate,
And your (K)neck is an iron tendon
And your (L)forehead bronze,
5 Therefore I declared them to you long ago,
Before [b]they took place I proclaimed them to you,
So that you would not say, ‘My (M)idol has done them,
And my carved image and my cast metal image have commanded them.’
6 You have heard; look at all this.
And you, will you not declare it?
I proclaim to you (N)new things from this time,
Hidden things which you have not known.
7 They are created now and not long ago;
And before today you have not heard them,
So that you will not say, ‘Behold, I knew them.’
8 You have not (O)heard, you have not known.
Even from long ago your ear has not been open,
Because I knew that you would deal very treacherously;
And you have been called a [c](P)rebel from [d]birth.
9 (Q)For the sake of My name I (R)delay My wrath,
And for My praise I restrain it for you,
In order not to cut you off.
10 Behold, I have refined you, but (S)not as silver;
I have tested you in the (T)furnace of affliction.
11 (U)For My own sake, for My own sake, I will act;
For how can My name be profaned?
And I will not give My (V)glory to another.
Rescue Promised
12 “Listen to Me, Jacob, Israel [e]whom I called;
(W)I am He, (X)I am the first, I am also the last.
13 Assuredly My hand (Y)founded the earth,
And My right hand spread out the heavens;
When I (Z)call to them, they stand together.
14 (AA)Assemble, all of you, and listen!
(AB)Who among them has declared these things?
The Lord loves him; he will (AC)carry out His good pleasure against (AD)Babylon,
And His arm will be against the Chaldeans.
15 I, yes I, have spoken; indeed I have (AE)called him,
I have brought him, and He will make his ways successful.
16 (AF)Come near to Me, listen to this:
From the beginning I have (AG)not spoken in secret,
(AH)From the time it took place, I was there.
And now (AI)the Lord [f]God has sent Me, and His Spirit.”
17 This is what the Lord says, He who is your (AJ)Redeemer, the Holy One of Israel:
“I am the Lord your God, who teaches you to benefit,
Who (AK)leads you in the way you should go.
18 If only you had (AL)paid attention to My commandments!
Then your [g](AM)well-being would have been like a river,
And your (AN)righteousness like the waves of the sea.
19 Your [h](AO)descendants would have been like the sand,
And [i]your offspring like its grains;
(AP)Their name would never be eliminated or destroyed from My presence.”
20 (AQ)Go out from Babylon! Flee from the Chaldeans!
Declare with the sound of (AR)joyful shouting, proclaim this,
(AS)Send it out to the end of the earth;
Say, “(AT)The Lord has redeemed His servant Jacob.”
21 They did not (AU)thirst when He led them through the deserts.
He (AV)made the water flow out of the rock for them;
He split the rock and (AW)the water gushed out.
22 “(AX)There is no peace for the wicked,” says the Lord.
Footnotes
- Isaiah 48:4 Or harsh
- Isaiah 48:5 Lit it
- Isaiah 48:8 Or transgressor
- Isaiah 48:8 Lit the belly
- Isaiah 48:12 Lit My called one
- Isaiah 48:16 Heb YHWH, usually rendered Lord
- Isaiah 48:18 Or peace
- Isaiah 48:19 Lit seed
- Isaiah 48:19 Lit the offspring of your inward parts
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
New American Standard Bible®, Copyright © 1960, 1971, 1977, 1995, 2020 by The Lockman Foundation. All rights reserved.
