Add parallel Print Page Options

16 Kayo'y magsilapit sa akin, inyong dinggin ito; mula sa pasimula ay (A)hindi ako nagsalita ng lihim; mula nang panahon na nangyari ito, nandoon nga ako: at ngayo'y sinugo ako (B)ng Panginoong Dios, at nang kaniyang Espiritu.

17 Ganito ang sabi ng (C)Panginoon, ng inyong Manunubos, ng Banal ng Israel, Ako ang Panginoon mong Dios, na nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan, na pumapatnubay sa iyo sa daan na iyong marapat na lakaran.

18 Oh kung dininig mo ang aking mga utos! (D)ang iyo ngang kapayapaan ay naging parang ilog, at ang iyong katuwiran ay parang mga alon sa dagat:

Read full chapter