Add parallel Print Page Options

Pinagsalitaan ang Israel dahil sa di pagtatapat.

48 Iyong dinggin ito, Oh sangbahayan ni Jacob, na tinatawag sa pangalan ng Israel, (A)at nagsilabas sa bukal ng Juda; (B)na nagsisumpa sa pangalan ng Panginoon, at nagsibanggit ng (C)Dios ng Israel, nguni't hindi sa katotohanan, o sa katuwiran man.

(Sapagka't sila'y tinatawag ayon sa bayang banal, at nagsitiwala (D)sa Dios ng Israel; ang Panginoon ng mga hukbo ang kaniyang pangalan):

(E)Aking ipinahayag ang mga dating bagay mula nang una; oo, yao'y lumabas sa aking bibig, at aking ipinakilala: biglang ginawa ko, at nangyari.

Read full chapter