Add parallel Print Page Options

Padadalhan kita ng sunud-sunod na tagumpay,
    parang mga patak ng ulan na bumabagsak sa lupa;
    dahil dito'y maghahari sa daigdig ang kalayaan at katarungan.
Akong si Yahweh ang magsasagawa nito.”

Si Yahweh ng Buong Nilikha at Kasaysayan

Ang(A) palayok ba ay makakatutol sa gumawa sa kanya?
Maitatanong ba ng putik sa magpapalayok kung ano ang ginagawa nito?
    Masasabi ba ng palayok na hindi sanay ang gumawa sa kanya?
10 May anak bang magtatanong sa kanyang ama, “Bakit ikaw ang aking naging ama?”
    At sa kanyang ina, “Bakit mo ako ipinanganak?”

Read full chapter