Add parallel Print Page Options

Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo, (A)Ako ang una, at ako ang huli; at (B)liban sa akin ay walang Dios.

At sino, na gaya ko, tatawag, at (C)magpapahayag, at magaayos sa ganang akin, mula nang aking itatag ang matandang bayan? at ang mga bagay na dumarating, at ang mangyayari, ay ipahahayag nila.

Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: (D)hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at (E)kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.

Read full chapter