Add parallel Print Page Options

Sapagka't ako ang Panginoon mong Dios, ang Banal ng Israel, ang Tagapagligtas (A)sa iyo; aking ibinigay na pinakatubos sa iyo ang (B)Egipto, ang Etiopia at ang Seba.

Yamang ikaw ay naging mahalaga sa aking paningin, at kagalanggalang, at aking inibig ka; kaya't magbibigay ako ng mga tao na pinakatubos sa iyo, at ng mga bayan na pinakatubos sa iyong buhay.

Huwag kang matakot, (C)sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi (D)mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran;

Read full chapter