Font Size
Isaias 42:6-8
Ang Biblia, 2001
Isaias 42:6-8
Ang Biblia, 2001
6 “Ako(A) ang Panginoon, tinawag ko kayo sa katuwiran,
kinuha ko kayo sa pamamagitan ng kamay, at kayo'y iniingatan,
at ibinigay kita sa bayan bilang tipan,
isang liwanag sa mga bayan,
7 upang imulat ang mga bulag na mata,
upang ilabas ang mga bilanggo sa bilangguan,
at silang nakaupo sa kadiliman mula sa bilangguan.
8 Ako ang Panginoon, iyon ang aking pangalan;
hindi ko ibibigay sa iba ang aking kaluwalhatian,
o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.