Add parallel Print Page Options

Si Sennacherib ay nawalan ng loob at pinatay.

36 At ang anghel ng Panginoon ay (A)lumabas, at nanakit sa kampamento ng mga taga Asiria nang isang daan at walongpu't limang libo: at nang ang mga tao ay magsibangong maaga sa kinaumagahan, narito, ang lahat ay mga katawang bangkay.

37 Sa gayo'y umalis si Sennacherib na hari sa Asiria, (B)at yumaon at umuwi, at tumahan sa Ninive,

38 At nangyari, nang siya'y sumasamba sa bahay ni Nisroch na kaniyang dios, na sinugatan siya ng tabak ni Adremelech at ni Sarezer na kaniyang mga anak at sila'y nagtanan sa lupain ng Ararat. At si Esarhadon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Read full chapter