Add parallel Print Page Options

Ang(A) araw, buwan at mga bituin ay malalaglag at madudurog
    at ang kalangita'y irorolyong
    parang balumbon.
Ang mga bituin ay malalaglag
    na parang mga tuyong dahon ng igos na nalalagas.

Ang Pagkawasak ng Edom

Si(B) Yahweh ay naghanda ng espada sa kalangitan
    upang gamitin laban sa Edom,
    sa bayang hinatulan niyang parusahan.
Ang espada ni Yahweh ay puno ng dugo at taba;
    iyon ay dugo ng mga tupa at kambing,
    at taba ng lalaking tupa.
Sapagkat siya'y maghahandog sa Bozra,
    marami siyang pupuksain sa Edom.

Read full chapter