Font Size
Isaias 33:15-17
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Isaias 33:15-17
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
15 Ang makakatagal ay ang mga taong namumuhay nang matuwid at hindi nagsisinungaling, hindi gahaman sa salapi o tumatanggap man ng suhol. Hindi sila nakikiisa sa mga mamamatay-tao at hindi gumagawa ng iba pang masamang gawain. 16 Ganyang klaseng mga tao ang maliligtas sa kapahamakan, parang nakatira sa mataas na lugar, na ang kanilang kanlungan ay ang malalaking bato. Hindi sila mawawalan ng pagkain at inumin.
17 Mga Israelita, makikita ninyo[a] ang isang makapangyarihang hari na namamahala sa napakalawak na kaharian.
Read full chapterFootnotes
- 33:17 ninyo: sa Hebreo, mo.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®