Isaias 31:1-3
Ang Biblia, 2001
Ipagsasanggalang ng Diyos ang Jerusalem
31 Kahabag-habag sila na sa Ehipto ay lumulusong upang humingi ng tulong,
at umaasa sa mga kabayo;
na nagtitiwala sa mga karwahe sapagkat marami sila,
at sa mga mangangabayo sapagkat napakalakas nila,
ngunit hindi sila nagtitiwala sa Banal ng Israel,
o sumasangguni man sa Panginoon!
2 Gayunman siya'y pantas at nagdadala ng kapahamakan,
hindi niya iniurong ang kanyang mga salita,
kundi mag-aalsa laban sa sambahayan ng mga gumagawa ng kasamaan,
at laban sa tumutulong sa mga gumagawa ng kasamaan.
3 Ang mga Ehipcio ay mga tao, at hindi Diyos;
at ang kanilang mga kabayo ay laman, at hindi espiritu.
Kapag iniunat ng Panginoon ang kanyang kamay,
siyang tumutulong ay matitisod, at siyang tinutulungan ay mabubuwal,
at silang lahat ay sama-samang mapapahamak.