Add parallel Print Page Options

32 At bawat hampas ng tungkod ng kaparusahan na ibabagsak ng Panginoon sa kanila ay sa saliw ng tunog ng pandereta at lira. Nakikipaglaban sa pamamagitan ng bisig na iwinawasiwas, siya ay makikipaglaban sa kanila.

33 Sapagkat ang Tofet[a] na sunugan ay matagal nang handa. Oo, para sa hari ay inihanda ito; ang gatungan ay pinalalim at pinaluwang na may maraming apoy at mga kahoy. Ang hininga ng Panginoon na gaya ng sapa ng asupre, ay nagpapaningas niyon.

Read full chapter

Footnotes

  1. Isaias 30:33 Isang lugar na sunugan ng handog kay Molec.