Add parallel Print Page Options

7-8 Mawawalang parang panaginip ang maraming bansang sumasalakay sa Jerusalem[a] at gumigiba ng mga pader nito. Ang katulad nilaʼy taong nananaginip na kumakain, pero nang magising ay gutom pa rin; o katulad ng taong nananaginip na umiinom, pero nang magising uhaw pa rin.”

Kayong mga taga-Juda, magpakatanga kayo at magpakabulag. Maglasing kayo at magpasuray-suray, pero hindi dahil sa alak. 10 Sapagkat pinatulog kayo ng Panginoon nang mahimbing. Tinakpan niya ang inyong mga ulo at mga mata na walang iba kundi ang inyong mga propeta.

Read full chapter

Footnotes

  1. 29:7-8 Jerusalem: sa Hebreo, Bundok ng Zion.