Add parallel Print Page Options

15 Sapagka't inyong sinabi, Tayo'y nakipagtipan sa kamatayan, at sa Sheol ay nakipagkasundo tayo; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay dumaan, hindi darating sa atin; sapagka't ating ginawang pinakakanlungan natin ang mga kabulaanan, at sa ilalim ng kasinungalingan ay nangagkubli tayo,

16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (A)Narito, aking inilalagay sa Sion na pinakapatibayan ang (B)isang bato, isang batong subok, isang mahalagang batong panulok na may matibay (C)na patibayan: (D)ang naniniwala ay hindi magmamadali.

17 (E)At aking ilalagay na pinakapising panukat ang katuwiran, at pinakapabato ang kabanalan: at papalisin ng granizo ang kanlungan ng mga kabulaanan, at aapawan ng tubig ang taguang dako.

Read full chapter