Add parallel Print Page Options

Awit ng Papuri kay Yahweh

25 O Yahweh, ikaw ang aking Diyos;
    pupurihin ko at dadakilain ang iyong pangalan;
sapagkat kahanga-hanga ang iyong mga ginawa;
    buong katapatan mong isinagawa
    ang iyong mga balak mula pa noong una.
Ang mga lunsod ay iyong iginuho,
    at winasak ang mga kuta;
ibinagsak ninyo ang mga palasyo ng mga dayuhan,
    at ang mga iyon ay hindi na muling maitatayo.
Kaya dadakilain ka ng taong malalakas,
    at matatakot sa iyo ang malulupit na lunsod.
Ikaw ang tunay na kanlungan ng mahihirap,
    at mga nangangailangan,
matatag na silungan sa panahon ng unos
    at nakakapasong init.
Sa harap mo'y mabibigo ang mararahas,
    sila'y parang bagyong humahampas sa matibay na pader.
Ang ingay ng dayuhan ay parang init sa disyerto,
    ngunit napatahimik mo ang ingay ng mga kaaway;
    hindi na marinig ang awit ng malulupit,
    parang init na natakpan ng ulap.

Naghanda ng Handaan ang Diyos

Sa Bundok ng Zion, aanyayahan ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat
    ang lahat ng bansa para sa isang malaking handaan.
Pinakamasasarap na pagkain at alak ang kanyang ipinahanda.
Sa bundok ding ito'y papawiin niya
    ang ulap ng kalungkutang naghahari sa lahat ng bansa.
Lubusan(A) nang pupuksain ng Panginoong Yahweh ang kamatayan,
    at papahirin ang mga luha sa kanilang mga mata.
    Aalisin niya sa kahihiyan ang kanyang bayan.
Sasabihin ng lahat sa araw na iyon:
“Siya ang hinihintay nating Diyos na sa ati'y magliligtas,
    siya si Yahweh na ating inaasahan.
Magalak tayo at magdiwang, sapagkat tayo'y kanyang iniligtas.”

Paparusahan ng Diyos ang Moab

10 Iingatan(B) ni Yahweh ang Bundok ng Zion,
ngunit ang Moab ay tatapakan;
    gaya ng dayaming tinatapak-tapakan sa tambakan ng basura.
11 Sisikapin ng mga taga-Moab na igalaw ang kanilang mga kamay na parang lumalangoy sa tubig.
    Ngunit sila'y bibiguin ng Diyos hanggang sa sila'y lumubog.
12 Ang matataas niyang pader ay iguguho ni Yahweh,
    at dudurugin hanggang maging alabok.

Awit ng pagpuri sa Panginoon dahil sa kaniyang kalinga.

25 Oh Panginoon, ikaw ay aking Dios; aking ibubunyi ka, aking pupurihin ang iyong pangalan; sapagka't (A)ikaw ay gumawa ng kagilagilalas na bagay, sa makatuwid baga'y ang iyong binalak noong una, sa pagtatapat at katotohanan.

Sapagka't iyong (B)pinapaging isang bunton ang isang bayan, ang bayang matibay ay pinapaging isang guho: ang palasio ng mga taga ibang lupa ay di na magiging bayan; hindi matatayo kailan man.

Kaya't (C)luluwalhatiin ka ng matibay na bayan, ang (D)bayan ng kakilakilabot na mga bansa ay matatakot sa iyo.

Sapagka't ikaw ay naging (E)ampunan sa dukha, ampunan sa mapagkailangan sa kaniyang kahirapan, (F)silongan sa bagyo, lilim sa init, pagka ang hihip ng mga kakilakilabot ay parang bagyo laban sa kuta.

Gaya ng init sa tuyong dako patitigilin mo ang ingay ng mga taga ibang lupa; gaya ng init sa pamamagitan ng lilim ng alapaap, matitigil ang awit ng mga kakilakilabot.

At (G)sa bundok na ito ay gagawa ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat ng mga bayan, ng isang (H)kapistahan ng mga matabang bagay, ng isang kapistahan ng mga alak na laon, ng mga matabang bagay na puno ng utak, ng mga alak na laon na totoong sala.

At kaniyang aalisin sa bundok na ito ang takip na nalagay sa lahat ng mga bayan, at (I)ang lambong na naladlad sa lahat na bansa.

Sinakmal niya ang kamatayan (J)magpakailan man; at (K)papahirin ng Panginoong Dios ang mga luha sa lahat ng mga mukha; at ang kakutyaan ng kaniyang bayan ay maaalis sa buong lupa: sapagka't sinalita ng Panginoon.

At sasabihin (L)sa araw na yaon, Narito, ito'y ating Dios; hinintay natin (M)siya, at ililigtas niya tayo: ito ang Panginoon; ating hinintay siya, (N)tayo'y matutuwa at magagalak sa kaniyang pagliligtas.

10 Sapagka't sa bundok na ito magpapahinga ang kamay ng Panginoon; at ang (O)Moab ay mayayapakan sa kaniyang dako, gaya ng dayami na nayayapakan sa tapunan ng dumi.

11 At kaniyang iuunat ang kaniyang mga kamay sa gitna niyaon, gaya ng paguunat ng lumalangoy upang lumangoy: at kaniyang ibababa ang kaniyang kapalaluan sangpu ng gawa ng kaniyang mga kamay.

12 At ang mataas na moog ng iyong mga kuta ay (P)kaniyang ibinaba, giniba, at ibinagsak sa lupa, hanggang sa alabok.