Add parallel Print Page Options

14 Ang mga ito ay maglalakas ng kanilang tinig, (A)sila'y magsisihiyaw; dahil sa kamahalan ng Panginoon ay nagsisihiyaw sila ng malakas mula sa dagat.

15 Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga'y (B)ang pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (C)sa mga pulo ng dagat.

16 Mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa ay nakarinig kami ng mga awit, kaluwalhatian sa matuwid. Nguni't aking sinabi, Namamatay ako, namamayat ako, sa aba ko! (D)ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawang may kataksilan, oo, ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawa na may lubhang kataksilan.

Read full chapter